Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ice Seguerra at Liza Diño Robin Padilla

Ice at Liza suportado proposed bill ni Robin sa mga karapatan ng same sex couple

MA at PA
ni Rommel Placente

SA ilalim ng proposed bill ni Sen. Robin Padilla, binibigyang karapatan ang same-sex couples sa “civil union, adoption, and social security and insurance benefits.”

Papatawan ng mga kaukulang parusa ang sinumang lalabag, “who knowingly or willfully refuses to issue civil union licenses or certificates despite being authorized to do so.”

Sa panukalang-batas na ito ni Robin ay suportado ito ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Dino.

“We are citizens of this country and I think it is our right to be afforded these civil rights, very basic civil rights,” sabi ng dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines.

Aniya pa, “Ang basic talaga sa akin, owning of property, recognizing ang aming mag-carry ng last names, adoption rights, social benefits.

So lahat ng pinag-ipunan naming dalawa nasa pangalan niya, wala sa pangalan ko,” ang punto pa ni Liza.

Sabi naman ni Ice, kung wala ang nasabing batas, hindi niya maaaring ampunin ang 14-year-old na anak ni Liza na si Amara. Siya na ngayon ang tumatayong ikalawang ama ng teenger.

“They don’t see us as a family. For them, we’re just two people with a young person.”

Kasunod nito, hiniling din ni Ice sa mga religious group leaders sa iba’t ibang bahagi ng bansa na irespeto rin ang mga karapatan ng LGBTQIA+ community.

“We respect the churches, we respect the different religions against us. Wala kaming magagawa roon.

“But please respect us also as citizens of this country na karapat-dapat kaming may karapatan na proteksiyonan ng batas sa bansang ito,”pakiusap pa ni Ice.

Willing din ang mag-asawa na libutin ang Pilipinas para makibahagi sa mga discussion tungkol sa kanilang ipinaglalaban.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …