Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bella Poarch Joshua Garcia

Joshua at Bella matagal at malalim na ang pagkakaibigan 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang interview ng Filipinio-American singer at TikTok Superstar na si Bella Poarch, tinanong siya kung sino ang biggest Filipino crush niya, ang sagot niya ay si Joshua Garcia.

Nang ma-interview si Joshua sa TV Patrol at iparating ang paghanga sa kanya ni Bella, ang reaksiyon ng binata, masaya siyang malaman na humahanga sa kanya ang dalaga.

“She posted me before sa TikTok account niya and nag-comment din ako roon. Nakatataba lang din ng puso.

“Masaya ako siyempre, I’m happy na may nagsu-support o humahanga sa akin,” sabi ni Joshua.

Sa tanong kay Joshua kung crush niya rin ba si Bella, ang sagot niya ay, “Why not?”

Kinompirma rin ni Joshua na matagal-tagal na silang nag-uusap ni Bella at nagpaplano na rin silang magkita.

“Nagkakausap kami. Before pa ng June yata, dapat magkikita kami. Pero hindi natuloy ‘yung Star Magic tour ko, kasi hindi ako nakasama.

“Tapos parang July daw yata pupunta siya pero hindi rin naman natuloy. Hindi natin alam.”

Dagdag pa niya, “Ngayon, we’re good friends. Ngayon, okay kami, magkaibigan kami.”

Pag-amin din ni Joshua, matagal at malalim na ang kanilang naging pag-uusap ni Bella.

Umaasa siyang magkikita rin sila ni Bella sa binabalak nitong pag-uwi sa Pilipinas sa Disyembre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …