Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darna

#Darna top trending, tinutukan at pinuri

PINURI at tinutukan ang pagsisimula ng bagong Pinay superhero sa Mars Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane De Leon.

Nakakuha ng 296,334 live concurrent viewers ng unang episode sa Kapamilya Online Live sa YouTube, ang Darna na ipinakilala ang karakter ni Jane na si Narda Custodio, ang nanay niyang si Leonor (Iza Calzado), kapatid na si Ding (Zaijian Jaranilla), at Lola Berta (Rio Locsin).

Nabigyang-linaw sa episode kung paano napunta sa Earth ang unang Darna na si Leonor mula sa planeta niyang Marte, at ipinakita rin ang kapasidad niya bilang Darna habang kinakalaban ang isang alien na umatake sa kanilang bayan.

Nalaman na rin ni Narda ang pagiging superhero ni Leonor at ang tadhana niya bilang susunod na protektor ng mahiwagang bato. Samantala, napanood din ang isang eksena na may misteryosong babaeng karakter na tila nalason ng elemento mula sa alien na nilalang, na inilalarawan kung paano magiging babaeng ahas na si Valentina ang karakter ni Janella Salvador na si Regina.

Bukod kina Jane, Zaijian, Janella, Rio, at Iza, ipinakilala na rin si Joshua Garcia sa unang episode bilang Brian Robles, isang kaibigan ni Narda na sinubukan niyang iligtas mula sa mga bully.

Nanguna sa Twitter trend list worldwide at sa Pilipinas ang hashtag #Darna. Marami rin ang pumuri sa visual effects, fight scenes, at naki-iinspire na mensahe ng serye.

Ang Mars Ravelo’s Darna ay idinirehe nina Master Director Chito S. Roño, Avel Sunpongco, at Benedict Miqueat ipinrodyus ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …