Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jhassy Busran Heindrick Sitjar

Jhassy Busran at Heindrick Sitjar, tandem na patok sa Home I Found In You

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGANDA ang chemistry ng dalawang bagets na sina Jhassy Busran at Heindrick Sitjar at magpapakilig sila via the movie Home I Found In You (HIFIY). Ang kanilang love team ay binansagang JhasDrick.

Paano niya ide-describe katrabaho si Heindrick?

Wika ni Jhassy, “He is very kind and sweet po. Very passionate sa ginagawa niya, magaan po siyang katrabaho and isu-support ka po talaga niya sa mga eksena. Very focus siya kapag may eksena na ite-take and nakahahawa ‘yun sa kanya. Kaya sana ma-satisfy namin ang mga manonood nito and of course sina direk.”

Ang kanyang latest movie ang itinuturing niyang biggest break. “Maituturing ko pong biggest break itong HIFIY, kasi I really expect a lot sa movie namin na ito because I know na it is really a good movie,” nakangiting sambit ng 16 year old na dalagita na ang naunang movies ay Caught In The Act at Genius Teens (chapter 1&2).

Dagdag niya, “Ako po rito si Selene, probinsiyana po na gustong makapag-aral upang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Mahilig po ako ritong magpinta. RomCom po ang genre ng HIFIY.”

Tiniyak din ng talented na dalagita na magpapakilig sila ni John sa movie. “Yes po and iyon ang mga dapat abangan dito,” matipid na sambit niya.

Si Jhassy ay isang singer/actress na kahit baguhan sa showbiz ay nakakuha na ng ilang acting awards para sa short film na Pugon. Kabilang dito ang IFFM (New York) – Jury’s Best of the Best Performance of an Actress, Gully award – Best Child Actress, Ashoka International Film Festival 2021 – Best Child Artist, at WCEJA – Outstanding Lead Actress in Movie.

Mula sa direksiyon ni Gabby Ramos at under REMS Film, tampok din sa HIFIY sina Harvey Almoneda, Eunice Langusad, Diego, Orlando Sol, at Soliman Cruz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …