Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Adrianna So Kych Minemoto Alex Diaz PaThirsty

PaThirsty tagumpay sa pagpapatawa, pagpapa-iyak at pagbibigay-inspirasyon

NAPUNO ng halakhakan at kantyawan ang katatapos na private screening ng bagong sex comedy drama movie na napapanood na sa Vivamax, ang PaThirsty na pinagbibidahan nina Adrianna So, Kych Minemoto, at Alex Diaz.

Patunay na na-enjoy ng mga nagsidalo sa private screening ang pelikula. At ang isa sa talaga namang inenjoy ng karamihan ay ang pageant, tarayan, at laglagan ng mga bida.

Si Adrianna si Pearl, ang babaeng bakla na very supportive sa best friend niyang beking vlogger na si Achilles (Kych).

“Both of us are broken hearted, coming from failed relationships that we’re both trying to forget. Sa kagustuhan kong matulungan si Achilles, I will act as a match maker for him at hahanapan ko siya ng bagong boyfriend,” ani Adrianna ukol sa kanilang pelikula.

Natungo sila sa isang beach resort at doon nila makikilala ang guwapo, makisig, at mayamang bisexual na si Ali, ang may-ari ng bagong Sebastian Beach Resort.

Inimbitahan ni Ali sa pag-aaring resort ang grupo nina Pearl at Achilles kasama ang iba pang kasamahan nilang vloggers na sina Bunny (Chad Kinis), Faith (Kate Alejandrino), at Sean (Bob Jbeili). At pagdating nila sa resort, magsisimula na nga ang pag-aagawan nina Pearl at Achilles kay Ali na sasabak sila sa challenges at kung sino ang mananalo, sa kanya mapupunta ang lalaking pinag-aagawan nila.

Nagtagumpay si Ivan Andrew Payawal, ang direktor ng pelikula na siya ring nagdirehe ng Game Boys (series and movie version) sa kanyang objective na patawanin, paiyakin, at magbigay ng inspirasyon hindi lang sa LGBTQ community kundi pati na rin sa lahat ng mga magbabarkada/

Kaya kung gusto ninyong makalimutan sandali ang inyong mga dala-dala sa buhay o problema panoorin ang PaThirsty dahil sure na sure na makakalimutan ninyo sandali ang inyong mga dalahin sa buhay. Watch na. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …