MA at PA
ni Rommel Placente
AYON kay Edward Barber, natagpuan niya na ang kanyang ‘calling’ sa labas ng entertertainment industry. At ito ay ang maging pastor sa kanilang church ministry, ma roon ay nagse-serve siya every Saturday.
Kapag wala nga siyang trabaho sa showbiz, inilalaan niya ang kanyang panahon sa kanilang simbahan.
“Nahanap ko ‘yung balance sa buhay ko sa labas ng industry at ‘yung ginagawa ko sa loob ng industry,” sabi ni Edward sa panayam ng Star Magic Inside News.
Dagdag pa niya, “May mga bagay na I’m not willing to sacrifice it or mas importante ‘yun kaysa ‘yung job here and there sa loob ng industry.”
Nagpapasalamat naman nang malaki si Edward sa ABS-CBN dahil ito ang nagbigay ng magagandang opportunities sa kanya sa showbiz. Pero aniya, parang may hinahanap pa siya bukod sa pagiging artista at TV host.
Nakatutuwa rin naman si Edward dahil talagang gusto niyng maglingkod kay Lord.