Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas 2

Christine Bermas tiniyak, mga barako ‘di mabibitin sa Scorpio Nights 3

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IDINEKLARA ni Christine Bermas na ang Scorpio Nights 3 ang kanyang boldest movie so far.

Bumida na si Christine sa iba pang Vivamax Origninals like Siklo at Island of Desire. Makakasama niya rin sa pelikula bilang mga leading men sina Mark Anthony Fernandez at ang up-and-coming Vivamax actor na si Gold Aceron.

Pahayag ng hot na hot na Vivamax aktres, “Ang masasabi ko lang, ito na talaga ang boldest ko! Ito na ang sexiest na ginawa ko. Pero, hindi lang naman siya puro hubaran, may story din po.”

Ang mga barako o kalalakihan ba ay hindi mabibigo na may masilip na pampainit sa pelikula nila? “Kapag pinanood nila ang pelikula naming Scorpio Nights 3, for sure ay hindi sila mabibigo,” nakatawang wika ni Christine.

“Sa panahon ngayon, alam mo naman ang mga kalalakihan kung ano ang gusto nila, hindi ba? So, ang masasabi ko lang, hindi siya ‘yung totally na basta sex lang, na parang may gusto ka lang masilip dito, alam mo ‘yun?

“Na may makikita rin sa story kung gaano katibay din iyong sa relationship at hindi lang siya more on sex. So, yes po, may aral na mapupulot sa movie namin, hindi lang siya pa-sexy,” nakangiting diin ni Christine.

Isang kaakit-akit na dalaga ang pupuno sa pantasya ng isang binata. Muli nating matutunghayan ang pinakasikat na erotic franchise. Mapapanood na ang Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3 sa Vivamax ngayong July 29, 2022.

Isang Vivamax Original Movie, ang Scorpio Nights 3 ay isang erotic-thriller tungkol kay Matt (Gold), engineering student na nakatira sa lumang apartment building. Sa baba ng kanyang unit nakatira ang bagong lipat na live-in partners na si Pinay (Christine), isang cam girl, at Drake (Mark Anthony) na Fiscal bodyguard.

May lihim na pagnanasa si Matt kay Pinay at palagi nitong sinisilipan ang dalaga mula sa butas ng kanyang sahig tuwing makikipag-sex si Pinay kay Drake o kapag nang-aakit si Pinay ng mga kliyente online. Hindi alam ni Matt na alam ni Pinay ang ginagawa niyang pamboboso at sinasadya rin nitong akitin ang binata. May mamagitan sa kanilang dalawa, at mag-iingat na hindi mahuli ng dominante at bayolenteng boyfriend ni Pinay na si Drake.

Tingnang maigi ang mga butas, baka may nagmamasid, baka may sumisilip. Mula sa pamamahala ni Direk Lawrence Fajardo, mapapanood na ang Scorpio Nights 3 sa Vivamax ngayong July 29, 2022.

Mag-subscribe sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …