Saturday , November 23 2024
Imee Marcos Maid in Malacanang

Maid in Malacanang walang babaguhin 
Mga totoong pangyayari ilalahad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IGINIIT ni Sen. Imee Marcos na wala silang babaguhin sa paglalahad ng mga totoong nangyari sa huling tatlong araw ng kanilang pamilya sa Malacanang Palace na mapapanood sa pelikula ng Viva Films, ang Maid in Malacanang na ididirehe ni Darryl Yap.

Sa digital media conference kamakailan sinabi ni Imee na walang ‘historical revisionism’ na magaganap sa paglalabas ng istorya sa Maid in Malacanang.  

WALANG mangyayaring “historical revisionism” sa kontrobersyal na pelikulang “Maid In Malacañang” ng Viva Films mula sa direksyon ni Darryl Yap.

“Sa isipan namin, for me at sa aking pamilya, panahon na para magkuwento rin kami kung ano ang nangyari sa Malacañang, ‘yung nalalaman namin,” paliwanag ng senadora.

“Hindi natin binabago ang katotohanan. Dinadagdagan lamang ng kaalaman namin,” giit pa ni Imee.  

Ilalahad sa Maid in Malacanang ang pag-alis sa Malacañang ng pamilya Marcos at bibida rito sina Cesar Montano (Ferdinand Marcos, Sr.), Ruffa Gutierrez (Imelda Marcos), Diego Loyzaga (Bongbong Marcos, Jr.), Cristine Reyes (Imee Marcos), at Ella Cruz (Irene Marcos).

Kasama ring magsisiganap sina Karla Estrada, Beverly Salviejo, at Elizabeth Oropesa bilang mga maid sa Palasyo.

Sinabi naman ni Direk Darryl na ang kuwento ng kanyang pelikula ay mula sa point of view ng mga kasambahay ng mga Marcos kaya bago at hindi pa alam ng publiko.

“We’re not revising anything. It’s totally inaccurate to say that. We’re simply explaining in this film, to some degree, kung ano ‘yung mga pangyayari noong huling tatlong araw.

“At palagay ko, may karapatan naman ang mga Filipino, ang sambayanan na malaman kung anong nangyayari sa loob ng Palasyo noong mga panahon na ‘yun,” sambit niya.

Sa July 20 mapapanood ang Maid in Malacanang na kahapon pa lang nagsimula ang lock-in shooting. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …