Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe Piolo Pascual

Lovi puring-puri si Piolo — Genuine & sincere actor

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI nakapagtatakang si Piolo Pascual ang pinili para maging bidang lalaki sa Flower of Evil. Sobrang galing kasi ng lalaking bida sa Korean version nito kaya naman dapat lamang na matapatan.

Hindi rin naman siyempre pahuhuli si Lovi Poe kung galing sa akting ang pag-uusapan.

First time magkakasama sina Piolo at pero hindi nito naitago ang paghanga sa aktor.

Sey ng aktres, napakabait at napaka-sincere na tao ni Piolo at walang kayabang-yabang sa katawan.

He’s like the most genuine actor na nakasama ko na. Parang hindi ko nga maisip na iba ang makakapareha ko sa first TV show ko rito.

“Napakabait niya, napakamaalaga and also very sincere as an actor. Parang lahat na nang gusto mo sa isang guy ay nasa kanya,” giit pa ni Lovi.

Hindi naman itinago ni Lovi ang kaba, takot, excitement, at pagiging proud sa Flower of Evil na unang drama series niya bilang Kapamilya.

Iba talaga ‘yung pakiramdam niyong natapos namin yung ‘Flower of Evil’ kasi siyempre kapag nasa trabaho kami parang everyday sinisigurado namin na prepared kami sa set at we are jumping from one episode to another.

“Pero noong natapos namin parang iba ‘yung fulfillment kasi alam mong iba ‘yung pagod at ‘yung hirap at ‘yung dedication ng bawat tao sa amin.

Mapapanood ang Flower of Evil sa Viu simula ngayon araw at bukas, June 24, at sa Kapamilya Channel at A2Z sa June  25 at 26.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …