Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bunny Paras Moira Mo Twister

Bunny hiningi panahon ni DJ Mo Twister kay Moira

MA at PA
ni Rommel Placente

NASA America ngayon si Ogie Diaz kasama ang buong pamilya para magbakasyon. Habang nandoon, ay nakipagkita siya sa dating aktres na si Bunny Paras, na naka-base na sa America, para makapanayam ito para sa kanyang vlog.

Napag-usapan nila ang sampung taong gulang na anak ni Bunny sa dating karelasyon na si DJ Mo Twister, siMoira, na na-diagnose na may Friedreich Ataxia. Na dahil sa sakit na ‘yun ay hindi na ito makakalakad pa.

Tinanong ni Ogie si Bunny, kung ano ang naging role ni Mo sa kanilang anak sa pagkakaroon nito ng sakit? 

Ang malungkot na sagot ni Bunny, “Wala akong nakitang effort, Ogs. Mabibilang ko lang.

“Mula anong taon si Moira?” sundot na tanong ni Ogie.

“Fifteen, 16 nag-graduate ng high school ‘yung anak ko, minessage niya (Mo Twister), inimbita niya pumunta sila. Mabait kay Moira, mga kapatid, so, akala ko everything’s gonna be okay kahit masama ‘yung loob ko sa kanya kasi from three years old to 16 wala ka talagang nakitang help.

“’Yung pag-sign lang niya ng adoption papers ng anak ko para ‘yung asawa ko ang maging legal father.

“Lumapit ako sa mommy niya para makakuha ako ng medical benefits para sa anak ko. I have to have my husband you know, legal father. Para hindi kami nahihirapan kasi ang daming kailangan medically aasikasuhin.

“Ang daming participation sana kung gusto niya (Mo Twister) hindi ko nakita ‘yung effort.”  

Balik-tanong ni Ogie kung hindi ba siya bumalik kay DJ Mo para sabihing kailangan ng suporta ng anak nila?

“I did so many times. Ano ako, ghosting, deadma. Hindi ako pinansin. ‘Yung mommy niya, mag-aabot ng $100 or $200 kapag may okasyon. At saka noong newborn si Moira may mga gatas, diaper. Pero hindi siya (regular nag-aabot). Sobrang libo ang expenses namin pagdating kay Moira,” ayon pa kay Bunny.

Hindi naman umaasa si Bunny ng financial support mula kay DJ Mo. Ang gusto niya lang ay bigyan nito ng time ang kanilang anak.

Bigyan mo na lang ng panahon, ipasyal mo, make time. Iparamdam mo naman sa bata na part din siya ng immediate family mo, ‘yun ‘yung sanang gusto kong (mangyari).”

Sa naging pahayag na ito ni Bunny, bukas ang aming kolum para sa paliwanang ni Mo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …