Monday , December 23 2024
Aiko Melendez Emma Cordero WCEJA

Aiko Melendez at iba pa, pararangalan sa WCEJA ni Emma Cordero

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA ang premyadong actress na si Aiko Melendez ang pararangalan ng Japan-based award-giving body na World Class Excellence Japan Award (WCEJA) sa Heritage Hotel sa Pasay City ngayong June 15. Kabilang dito ang mga kilalang pangalan sa mundo ng showbiz, government officials, media and social media, philanthropist, at unsung heroes.

Ito ang post ng award winning actress at balik-public servant na Quezon City councilor na si Ms. Aiko sa kanyang FB account: “Maraming Salamat muli sa pagkilala sa akin bilang isa sa pinaka mahusay na Actress and also Public Servant of the Year! Isa po karangalan ang ganitong pagkilala sa naging ambag ko po sa pagtulong ko sa mga tao. Ito ay gagawin kong Inspirasyon upang mas makatulong pa sa mas nakakarami, Lalo na po sa mga taga Dist 5 ng QC. Salamat po sa mga bumubuo ng World Class excellence Japan para sa recognition na ito. To God be all the Glory.” 

Ito naman ang sagot niya sa aming pm, “Thank you po kuya nonie, sayang di po ako makakapunta pero happy po ako dahil a recognition is always a blessing po and this time hindi lang sa pagiging artista, but public servant. Kaya nakakataba ng puso po.”

Ang naturang event ay pangungunahan ng multi-awarded singer-composer, beauty queen, philanthropist at Founding Chairman ng WCEJA na si Ms. Emma Cordero. Kilala rin si Emcor, tawag ng marami sa kanya, bilang Asia’s Princess of Songs.

Two years na hindi nakapagbigay ng parangal ang WCEJA sa mga achiever ng mundo na ginagawa yearly sa Japan at Filipinas dahil sa Covid-19 pandemic. Sa Oktubre 28 ay gaganapin naman ang 8th World Class Excellence Japan Award sa Hakata New Otani Hotel sa Fukuoka, Japan.

Kabilang sa mga pararangalan ngayong taon sina Emilio Garcia, Diego Loyzaga, Jay Manalo, Dexter Doria, Lovely Rivero, Teresa Loyzaga, Joaquin Domagoso. Direk Romm Burlat, film producers Liz Alindogan-Kho and Teresita Pambuan, recording artist Lester Paul Recirdo and Beauty Queens Patricia Javier, Marlan Manguba, Princess Ramos, Japanese Ai Ohtsuka, Dr. Riza Caldoza, Cyrene Bales, Maryflor Macawile, at Faye Tangonan.

Awardees naman sa mundo ng media sina Lhar Santiago, Joey Sarmiento (Kuya Jay Machete), Paula Ignacio (DJ Karen Yosa), John Fontanilla (Janna Chu Chu), ex-PMPC President and Abante Tonite Entertainment Editor Roldan Castro, Morly Alinio, 2022 PMPC President Fernan de Guzman at iba pang media practioner tulad nina Nonie Nicasio, Anne Bendanillo, Edilberto “Obette” Serrano, Ynna Malaya-Chua, Victoria Cacnio, Juvy de Guzman, Virgilio Garcia, Rodel Fernando, Rafael Chico, Pete Ampoloquio, Jr., Jose Carlos, Jr., Gina Basco Regular, Corazon de la Cruz, George Vail Kabristante, Chino Hansel Philyang, Art N. Halili, Jr., Angelique Lazo, the Sentro Balita newscast of PTV4 and the Rise and Shine Pilipinas.

Kabilang din dito sina Ovette Ricalde, Lynie Bereo, Richard Hinola, at marami pang iba.

Pagkakalooban ng posthumous awards ang Queen of the Philippine movies, Ms. Susan Roces, singer and novelty King Mar Lopez of the Big Three Sullivans, comedienne and vlogger Mahal, and former Senate president Senator Aquilino Pimentel.

Guest of honor naman at Lifetime Achievement awardee si PAO Chief Atty. Persida Acosta. May mga Japanese nationals din para sa awards like philantrophist Hironori Koga and Yoshiharo Nakano.

About hataw tabloid

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …