Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

Tom muling nakipag-usap kay Rey bago lumipad ng US

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAKAPAGKUWENTO na pala ang Tito Jojo Abellana ni Carla sa present state ng marriage nito at ni Tom Rodriguez.

Sa tsika ni Jojo with Giselle Sanchez na lumabas sa pitak ng huli sa isang broadsheet, ang nasabi nga ni Jojo ay ang pagsasaayos na ng annulment ng mag-asawa.

Naibalita naman na rin namin ang ilang pagkakataong dumadalaw si Tom sa bahay ng biyenang si Rey Abellana. Para kausapin ito. At kalaunan ay magpaalam.

Nauna na nga ritong naibalita ni Rey sa isang panayam ang pag-amin ni Tom sa naging kasalanan sa anak niya pero hindi naman idinetalye. At nang awayin ni Carla ang ama sa ginawang pagsasalita eh, nanahimik na lang ito. Dahil hindi lang si Carla ang nag-bash sa kanya kundi pati ang Ate ni Carla na si Rea.

Bago tuluyang lumipad sa Amerika si Tom, muli na naman itong nagpaalam sa biyenan. At kalaunan, nasabi na rin nito kay Rey na oo, aasikasuhin na niya ang annulment. Dahil mukhang wala na sa puso nito ang patawarin at tanggapin pa siya ni Carla.

Move on. Move forward.

Kung titingnan, sa mga ipinukol ng mga anak niya kay Rey na pinalabas na pakikialam gayong wala naman daw itong naging partisipasyon sa buhay nila, ngumingiti na lang si Rey at nagkikibit-balikat.

Sa pagkakilala ko kay Rey ng apat na dekada, hindi nga ito ang tipong masalita sa mga bagay na mas gusto niyang maayos sa tahimik na paraan.

Kung may mga hamon na dumarating sa buhay niya at ng pamilya, hindi mo rin kakikitaan ng panghihina ang haligi ng tahanan.

May stage 2 breast cancer ang ikatlong maybahay nito na si Sheena. Na inoobserbahan pa rin ang magiging kagalingan.

Kaya hinahayaan lang ito ni Rey na magpakasaya with friends. Kain, pasyal, sine at higit sa lahat, maging abala sa social media! 

May proyekto na namang sisimulan sa GMA-7 si Rey at nakatakdang sumalang sa locked in taping in July.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …