Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casiño Angelica Cervantes

Albie proud sa Biyak — It’s more than just a sexy film

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IGINIIT ni Albie Casino na hindi basta-basta sexy film ang bago nilang pelikula nina Angelica Cervantes, Quinn Carillo, at Vance Larena, ang Biyak na idinirehe ni Joel Lamangan at mapapanood na sa July 1, 2022 sa Vivamax.

Super proud nga si Albie sa Biyak na gumaganap siya bilang pulis.

Pagtatanggol niya sa Biyak, “It’s not really just a sexy film. May aspect siya na ganoon, may love scenes, but it’s way more than a sexy film. To categorize it as just a sexy film will be doing a disservice to the film itself. It’s more than just a sexy film.”

Hirap mang i-explain ni Albie ang gusto niyang iparating ukol sa pelikula, sinabi nitong, “It’s so hard for me to explain kung bakit sobrang astig and exciting ng role ko without spoiling a big part of my character’s involvement in the film.

“Talagang blessing na nakuha ko itong role na ‘to. I enjoyed shooting this character so much,” sabi pa ni Albie na ang istorya ng pelikula ay umiikot sa magkapatid na nabuhay sa magkaibang mundo. Ang isa ay ipinaampon sa isang mayamang pamilya pero nakaranas naman ng pang-aabuso at sexual harassment mula sa  kanyang adoptive father. Ang isa ay lumaki sa tunay na ina at pamilya. Matapang at siga na sanay sa hirap at dating drug pusher, pero ngayon ay isa nang police asset.

Lumaki man na may magkaibang pamumuhay, mahahanap ng magkapatid ang ‘di kanais-nais nilang pagkakapareha,  dahil ang mga mundong ginagalawan nila ay parehas na puno ng anumalya, droga, at pananamantala. 

Sina Angelica at Quinn ay parehas bumida sa mga hit 2021 Vivamax Original Movies  na Silab at Eva, kasama rin sa pelikula ang knight in shining armor nilang sina Vance, at Albie. Isang movie collaboration ito na handog muli ng  Viva Films at ni Direk Joel, na tiyak pag-uusapan. 

Pagdating sa pamilya, walang hindi kayang gawin, walang hindi kakayanin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …