MA at PA
ni Rommel Placente
INAMIN ni Paul Salas na nagsimula na siyang manligaw kay Mikee Quintos. Inamin ito ng batang aktor sa podcast ni Pia Arcangel na Suprise Guest With Pia Arcangel.
Ani Paul, “After lang, doon kami nagkaligawan, doon lang kami sa papunta ng dating side na.
“Nakita lang din namin ang connection namin na minsan, ‘pag sa taping nag-uusap kami ang tagal na pala, hindi na namin alam, ganoon.”
Dagdag pa ni Paul, dahan-dahan lang ang kanilang ligawan dahil long-term ang iniisip niya.
“Hindi kami nagmamadali, kumbaga gusto namin sure na. Kumbaga, pa-25 na po ako, so gusto ko, parang kung ito naman, gusto ko ito na ‘yung last.”
Kung ‘yung ibang lalaki ay thru chat o text kung manligaw, si Paul ay gusto ng tradisyonal na ligawan.
“Gusto ko kung liligawan ko siya, gusto ko makilala agad ang parents niya, ipaalam na manliligaw ako, ipaalam na gusto ko ‘yung anak nila, ganoon.
“Nasa ganoong side pa rin po ako, nasa may old-school type na parang kung puwede nga lang haharanahin ko siya,” aniya pa.