MA at PA
ni Rommel Placente
SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya ng sulat si Kris Aquino. Napaiyak siya habang binabasa niya ito.
“Umiyak ako sa letter ni Kris Aquino, Salve. Umiyak ako sa parte ng hinihiling lang niya na sana mabuhay siya hanggang marating ni Bimby ang edad na puwede na niyang alagaan si Joshua.
“Iyon mabuhay siya para na lang sa dalawang anak niya. Tanggap niya na nahihirapan siya sa kanyang sakit, at talagang napi-feel niya kung minsan iyon hirap na hindi na niya makaya at hirap na siya kahit sa pagsusulat.
“I was so sad reading her letter dahil talagang ipinagtapat niya iyon pain na nadarama niya. Nakaka lungkot na negative pa iyon iba sa reaction nila kay Kris at hindi alam kung ano ang pinagdadaanan nito sa health niya.
“Kitang-kita mo ang pagpayat ni Kris, sign na talagang may nadaramang sakit. Hanga ka nga sa kanya dahil kinakaya niya ang pain at pinipilit ang katawan para hindi masyado mag alala ang mga tao sa paligid niya,” pagbahahagi ni Manay Lolit sa nilalaman ng sulat na ipinadala sa kanya ng TV host-actress.