MA at PA
ni Rommel Placente
SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Ryza Cenon ang hirap ng pagiging first time mom.
Aniya, may mga pagkakataon na napapatulala at napapaupo na lang siya dahil sa pagod at hirap na maging isang ina.
Post ni Ryza, “After mo magpakain, magpaligo, at saka patulog ng anak mo… may moment talaga na mapapaupo ka tapos matutulala ka na lang sa pagod then sabay hingang malalim then game na ulit.”
Kaya naman tinanong din niya ang mga kapwa mommy kung nakare-relate rin ba sila sa kanyang pinagdaraanan.
“Kung nakare-relate kayo isang mahigpit na yakap sa inyo mga mommies!!!” dagdag pa ni Ryza.
Umani naman ng iba’t ibang komento ang naturang post ng aktres at talaga namang napakarami ang mga naka-relate sa pakiramdam niya.
At least, naranasan ni Ryza ang maging isang ina, ‘di ba? ‘Yung iba, walang kapasidad na maging isang ina dahil mga baog. Masuwerte pa rin siya na naging isa siyang ganap na ina, na kumompleto sa kanyang pagiging isang babae.