Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jomari Yllana Abby Viduya Ayen Castillo

Jomari at Abby pinaplano na ang kasal
— My first and definitely my last

MA at PA
ni Rommel Placente

PRESENT ang showbiz couple na sina Jomari Yllana at Abby Viduya sa grand launching ng Aspire Magazine Philippines, na ang CEO/founder ay si Ayen Castillo. Pinarangalan kasi silang dalawa bilang inspiring personalities,pati ang best friend kong si Jana Chuchu ng LS FM.

After ng awarding ceremony, nakausap namin ang dalawa. Ikinuwento ni Jom kung paano silang nagkabalikan ni Abby after 30 years.

Noong makita niya ang pangalan ng ex sa Facebook, nag-message siya rito para kamustahin at tiyakin kung si Abby nga ito. Nang sumagot ang aktres, doon na nagsimula ang communication nila at presto, nagkabalikan sila.

Nang kamustahin namin ang takbo ng kanilang relasyon, ang sabi ni Abby, “That’s wonderful.

“Ive never been happier in my life as I am with him,” aniya.

Sabi naman ni Jom, “Ako, okey na ako. Pwede na akong gumarahe. I can say na marami rin akong pinagdanan. Roller-coaster ride ‘ika nga. Siguro alam n’yo naman ‘yung istorya namin. Fist time kaming ganyan, first time kaming ganito. 

“Tapos pinagtagpo kami uli ng tadhana. Ako I can say na kaya kong sabihin na okey na ako. Ito na ‘yung last ko. Final stop ko na ‘to. Pwede ko ring sabihin sa kanya na you were my first and you will be my last.”

At ano ang reaksiyon ni Abby sa sinabing ito ni Jom?

What can I say? He’s the love of my life. My first and definitely my last.”

Dahil sa tingin nina Jom at Abby na talagang ang isa’t isa na ang gustong makasama habambuhay, kaya nagpaplano na rin silang magpakasal.

“Ako I’m legally single. Siya naman legally single na rin. Wala pa kaming date kung kailan pero ayaw na naming patagalin.

“Kung matutulog naman ‘yan eh kayo rin naman ang unang mag-a-announce,” giit ni Jom. 

Habang kausap namin sina Jom.at Abby, ramdam namin ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Kaya alamnamin na may forever sa kanila, na hindi na sila maghihiwalay pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …