Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iwa Moto Ping Lacson Jodi Sta Maria Leni Robredo

Iwa sa suporta ni Jodi kay VP Leni — sana ‘di na siya nag-announce

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGBIGAY ng komento si Iwa Motto tungkol sa paghahayag ng suporta ni Jodi Sta. Maria kay presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Iwa, hindi na dapat ‘yun in-announce ni Jodi, dahil ex-father in law niya si Sen. Ping Lacson. Naging asawa kasi ni Jodi ang anak ni Sen. Ping na si Pampi na partner ngayon ni Iwa.

Ayon kay Iwa, inirerespeto naman niya ang desisyon ni Jodi.

Pero, hirit pa niya, (published as is): “Was just hoping na d nalang sya nag announce hihi.

“Syempre father in law namin yung kalaban na candidate [laughing with tears emojis] lol bwhahaha”

O ‘di ba, sarcastic ang dating ni Iwa, huh.

Hindi naman pinalampas ng ilang netizens ang komento ni Iwa ukol sa pagpapahayag ni Jodi ng suporta kay VP Leni.

Pagsita ng isang netizen kay Iwa: “Eh ano naman kaya Kung I announce ni Jodi. Past is past … pakialamerang palaka.”

Sabi naman ng isa, sana ay hindi na lang nagsalita si Iwa para hindi na humaba ang usapan.

At may nagsabi rin na si Iwa ay hindi kasal kay Pampi, samantalang si Jodi ay kasal sa anak ng presidential candidate.

Sa totoo, hindi naman kasi dapat mag-comment ng ganoon si Iwa kay Jodi, ‘di ba? Irespeto lang niya kung sino ang gustong suportahang pangulo ni Jodi.  Besides, ex-father-in-law na nga nito si Sen. Ping.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …