Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

24.7K barangays drug-cleared na — PDEA

SIMULA nang ideklara ang gera laban sa droga ng administrasyong Duterte, mayroon ng 24,000 barangay sa buong bansa ang nalinis o naideklara nang cleared mula sa ilegal na droga.

Base sa pinakahuling real numbers data na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Sabado, hanggang nitong Marso 2022, nasa 24,766 mula sa kabuuang 42,045 barangays ang naideklara nang drug-cleared habang 6,575 barangays ang drug unaffected/drug-free barangays at 10,704 ang hindi pa nalilinis mula sa illegal drugs.

Nabatid, ang mga naturang barangay ay nakaabot sa drug-cleared status matapos maisyuhan ng sertipikasyon ng mga miyembro ng oversight committee on barangay drug-clearing program.

Tiniyak ng ahensiya, ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga ahente ang kanilang prayoridad sa kanilang mga anti-drug operations.

Anang PDEA, nakakompiska sila ng kabuuang P88.83 bilyong halaga ng narcotics sa buong bansa.

Kabilang sa mga nakompiska ay 11,788.83 kilo ng shabu, 10,157.27 kilo ng marijuana, 163.295 piraso ng ecstasy, 530.24 kilo ng cocaine, habang nabuwag ang kabuuang 1,111 drug dens, at 19 clandestine shabu laboratories mula Hulyo 2016 hangang Marso 2022.

Nasa kabuuang 14,888 high-value targets ang naaresto sa buong bansa kabilang ang 6,632 HVTs na naaresto mula sa mga high impact operations, 4,030 target-listed suspects, 1,619 drug den maintainers, 797 drug group leaders/members, 522 government employees, 400 elected officials, 360 foreigners, 295 kabilang sa wanted lists, 126 uniformed personnel, 78 armed group members, at 24 prominent personalities.

Nakaaresto rin ng 336,796 indibidwal na sangkot sa illegal drugs sa nasabing panahon.

Iniulat ng PDEA sa kanilang consolidated report, lumilitaw na 6,241 drug suspects ang napatay sa 233,356 anti-illegal drug operations na naisagawa sa buong bansa.

Mula Hulyo 2016 hanggang Marso 2022, nakaaresto ng 4,307 menor de edad, kabilang dito ang 2,532 pushers; 987 possessors; 522 users; 234 visitors ng drug den; siyam na drug den maintainers; 17 drug den employees, tatlong cultivators, isang clandestine  lab employee, at dalawang runners. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …