Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Seth Fedelin Andrea Brillantes Ricci Rivero

Seth-Andrea loveteam bubuwagin na

MA at PA
ni Rommel Placente

SIGURADONG malulungkot ang mga tagahanga nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes dahil hanggang loveteam na lang talaga ang mamamagitan sa dalawa. May boyfriend na kasi si Andrea. At ito ay ang basketeer na si Ricci Rivero

Noon pa man ay nali-link na sina Andrea at Ricci. Lagi kasi silang spotted na magkasama. Pero hindi pa pala sila magkarelasyon that time. Nanliligaw pa lang ang huli sa una.

Nito pa lang Saturday, sinagot na ni Andrea si Ricci. At nangyari ‘yun sa Mall of Asia.

Nagkaroon  kasi ng laban ang UP Maroons, na kinabibilangan ni Ricci at FEU Tamaraws sa nasabing mall.  Nandoon si Andrea para suportahan si Ricci.

Pagkatapos ng laro, nagkaroon ng public announcement si Ricci. “Thank you for coming today. I just want to ask Blythe (nickname ni Andrea) to be my girlfriend?” ang tanong ni Ricci habang may dalawang lalaki sa likod ni Andrea sa audience gallery na may hawak na T-shirts na may tatak na “YES” at “No.”

Dumagundong ang malakas na hiyawan sa loob ng MOA Arena nang piliin at yakapin ni Andrea ang T-shirt na may tatak na “YES” na kompirmasyon na sinasagot niya na si Ricci.

Nasa kalayuan mula sa kinatatayuan ni Ricci ang puwesto ni Andrea at bawal bumaba ang audience sa kinaroroonan ng mga player.

Kaya bago pumunta sa dug out, isang malakas na “I love you!” ang isinigaw niya para kay Andrea.

Ngayong boyfriend na ni Ricci si Andrea, siguradong bubuwagin na ng ABS-CBN ang loveteam nina Seth at Andrea. Paano pa kasi silang tatangkilikin ng kanilang mga fan kung ganyang may boyfriend na si Andrea, ‘di ba?

Nanghihinayang kami sa  loveteam nina Andrea at Seth.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …