Monday , December 23 2024
Ping Lacson MSME

Sistemang masasandalan ng ordinaryong obrero PING BUBUO NG MSME

HINDI pa masabi kung magkakaroon ng batas laban sa endo (end of contract) o kontraktwalisasyon, binubuo ng grupo ni independent presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang sistemang titiyak sa kasiguruhan ng trabaho para sa mga manggagawa.

Sa anim na pahinang dokumentong inilatag ng policy team ni Lacson, isang pangmatagalang employment deal ang naghihintay sa mga manggagawang edad 18-55 anyos na handang maglaan ng kanilang abilidad at nalalaman para paunlarin ang ekonomiya ng bansa.

               “Ang Filipinas ay may pinakamalaking working-age population sa mundo. May higit 40 milyong workforce, edad 18-55. Itinutulak ni Ping Lacson ang sustainable na Employment Deal Program kung saan may pagtutugma ng skills at job opportunities,” saad sa isang bahagi na nilalaman ng dokumento.

Halos lahat ng sektor ay kabilang sa inilatag na programa ng grupo ni Lacson para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa. 

“Gagawin ito sa pamamagitan ng universal database para pakinabangan ang kakayahan ng mga Filipino, lalo ang mga kabataan, mga tanod, healthcare workers sa barangay at iba pang skilled workers,” saad sa dokumento.

Sa mga naunang pahayag ni Lacson, binanggit niyang napakahalagang magkaroon ng database ng mga manggagawa ang pamahalaan upang agad mabatid ng mga naghahanap ng trabaho kung saan sila maaaring mamasukan na angkop sa kanilang mga kakayahan.

Samantala, sa kanyang pagdalaw sa Argao, Cebu, sinabi ni Lacson, makatutulong para sa mga nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng pandemya, lalo ang mga nasa sektor ng micro, small, at medium-sized enterprises (MSME) ang mga fiscal stimulus package na nais din niyang ipatupad.

Ayon kay Lacson, ang paglikha ng isang komprehensibo at targeted na fiscal stimulus package ang solusyon upang iangat muli ang sektor ng MSME na pinaluhod ng CoVid-19 dahil sa pagsasara ng ilang mga negosyo noong ipinatupad ang mahigpit na lockdown sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“There are so many programs available, which we can enhance. For example, ‘yung mga financial packages, ‘yung comprehensive and targeted fiscal stimulus packages should be present to provide loans and even assistance. We have P2-billion under the national budget to attend to these needs,” ayon kay Lacson.

Puwede rin aniyang magkaloob ng pautang na may mababang interes lamang ang mga bankong pag-aari ng pamahalaan gaya ng Development Bank of the Philippines (DBP) o Land Bank sa mga MSME at iba pang apektadong sektor bilang pandagdag kapital sa panahon ng pandemya.

“Ang problema, ‘yung accessibility because government has failed to inform our citizens that there is available funding from our financial institutions —DBP, Landbank and others. Meron pa ‘yung agri-MSMEs, ‘yung sa agriculture sector naman,” paliwanag ni Lacson. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …