Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis Paolo Contis Lian Paz LJ Reyes

Manay Lolit hiniling kina LJ at Lian ‘wag ilayo ang mga anak kay Paolo

MA at PA
ni Rommel Placente

SA latest vlog ni LJ Reyes ay naglabas siya ng update tungkol sa kanyang kasalukuyang buhay kasama ang mga anak na sina Aki at Summer.

Matatandaang matapos makipaghiwalay kay Paolo Contis, lumipad patungong America ang aktres kasama ang kanyang mga anak.

Sa naturang vlog ay puro clips ng bonding moments nilang mag-iina ang mapapanood.

Mayroon ding isang clip na tinanong ni LJ si Summer kung saan siya thankful?

Tanong nI LJ sa anak, “Tomorrow is Thanksgiving. Who are you thankful for?” 

Mommy,” sagot ni Summer.

You’re so sweet, love. I’m thankful for you and Aki,” balik sagot ni LJ sa anak.

Matapos marinig ni Summer ang sagot ng ina ay muli na naman itong nagsalita at sinabing, “Yeah and then you’re gonna cry again. Mommy! Oh my goodness! Oh my goodness!”

Marami ang natuwa para kay LJ dahil maayos ang kalagayan nilang mag-iina sa ibang bansa.

Naglabas naman ng pahayag si Lolit Solis, ang talent manager ni Paolo sa kanyang Instagram account patungkol kay LJ.

Sabi nito,”Talaga naman hindi na dapat magbigay ng comment si Paolo Contis pag tungkol kay LJ Reyes.

“Kahit ano pa sabihin, Paolo was trying to be a good father sa mga anak niya. Tatlo ang anak niyang babae, 2 kay Lian Paz at 1 kay LJ Reyes.

“Puwede na hindi siya naging mabuting partner sa dalawa pero hindi puwede ibintang na hindi siya naging mabuting father sa mga anak.

“Nasa mga ina ang mga bata, alam nila na meron din karapatan si Paolo sa mga anak, at dapat bilang mabuting ina, hayaan nilang makilala ng mga bata ang kanilang father.”

Hiling ni Manay Lolit, na sana ay huwag ilayo nina LJ at Lian Paz kay Paolo ang mga anak nito dahil may karapatan siya sa mga ito bilang ama.

Kahit ano pa ang gawin nila, hindi puwede burahin na si Paolo Contis ang ama nila. Kahit pa nga hiwalay na sila, bigyan nila ng semblance of normalcy ang mga bata.

“Sana maging maayos ang pag uusap nila Lian, LJ at Paolo para sa kapakanan ng mga bata.

“We pray na maging maganda ang resulta para sa lahat,” dalangin pa ni Manay Lolit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …