Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ariana Grande, Bretman Rock trending dahil kay VP Leni

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang napa-wow nang i-share ng international singer na si Ariana Grande sa kanyang Instagram ang video ng Leni RobredoKiko Pangilinan rally noong Linggo sa Pasig City.

Agad nag-viral ang IG Story ni Ariana na makikita ang libo-libong Filipino na dumalo sa  rally na sabay-sabay kumakanta ng kanyang hit song na Break Free.

Caption ni Ariana sa  kanyang IG post, “I could not believe this was real, I love you more than words.”

Unang ini-repost ng journalist na si Jules Guiang ang IG story ni Ariana sa Twitter. Aniya kasama ang link ng IG video ni Ariana, “Wow #ArianaGrande just posted this on her IG story. And yes I just followed her lol.

“This was taken during the pre-program of #PasigLaban.”

Isang  international Filipino social media personality at influencer naman ang nagpahayag din ng suporta kay Robredo.

Nag-post si Bretman Rock sa kanyang IG ng isang video na naglalaman ng closing statement ni VP Leni sa ginanap na Commission on Elections Presidential Debate noong Sabado. Si Bretman Rock ay nagmula sa Cagayan at naninirahan ngayon sa Hawaii.

Aniya, “This statement shook me to the core… My president is a WOMAN (Philippine flag emoji).”  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …