MATABIL
ni John Fontanilla
ISA si Vivian Velez sa sumusuporta Sa Isang Pilipinas Movement kasama sina Edith Fider (producer), Daddy Wowie Roxas (manager) at iba pa sa pagsasanib-puwersa nina Manila Mayor Isko Moreno at Davao mayor Sara Duterte na tumatakbong presidente at vice president.
Naniniwala ang grupo nina Vivian na ang tambalang Isko at Sara ang mag-aahon sa pinagdaraanang hirap ng Pilipinas at tunay na makapagbibigay ng pagbabago sa bansa.
Parehong bata at parehong may resibo ng magagandang nagawa sa kani-kanilang pinamumunuang bayan, matapang at tunay na may puso sa mahihirap sina Mayor Isko at Mayor Sara, kaya naman ang tambalan ng dalawa ang kanilang sinusuportahan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com