Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

Rey ibinuking babae dahilan ng hiwalayang Tom at Carla

MA at PA
ni Rommel Placente

SO, babae ang isa sa dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Carla Abellana sa mister niyang si Tom Rodriguez

Sa interview kasi ng ama ni Carla na si Rey Abellana sa radio program ni Cristy Fermin na Cristy Fer Minute, sinabi nito  na nabisto ni Carla na nakipag-one night stand si Tom. Hindi nga lang nito binanggit ang name ng girl.

Sabi ni Rey, “Hindi po natin mako-consider na third party eh, ang sitwasyon. Kasi po, ang pangyayari ay one-night stand, eh. So, hindi natin kinu-consider ‘yun na third party,”

Inamin naman ni Rey na noon, kahit may asawa na siya, ay natukso rin siya sa ibang babae. Na aniya ay naiintindihan niya si Tom. Normal lang umano ‘yun sa isang lalaki.

“Kaya inaamin ko na lang, bilang ako lalaki ako, ako, way back, nangyayari rin po ‘yan sa akin. Eh, medyo normal na ‘yan sa buhay ng mga lalaki.

“Kaya naintindihan ko po ‘yan. Eh, nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin. Para sa akin, you know, bilang isang tao, natural na tao lang po ang nangyayari sa mga ganyang bagay, natural sa buhay ‘yan, eh, ‘di po ba?

“May kasabihan nga po na ang isang tao, eh, mabibilanggo depende po sa bigat ng kanyang kasalanan. Kung mababaw na krimen ay hindi po ikinukulong ‘yan. Pero kung mabigat na krimen ang kanyang atraso, eh, yun,”aniya pa.

Sa rebelayon na ito ni Rey, ano kaya ang magiging reaksiyon ni Tom? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …