Sunday , December 22 2024
Leni Robredo

#BoyingSinungaling trending sa social media posts ng mga artista

TRENDING sa sa social media, lalo na sa posts ng mga artista, ang #BoyingSinungaling nang magpatutsada si Cavite congressman Boying Remulla na naghakot ang kampo ni VP Leni Robredo para sa rally nito sa General Trias.

Isa sa umalma ay ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzales na agad nag-post sa kanyang Twitteraccount. Anito, “Bakit hirap ang iba na maniwala na sasadyain ng libu-libong tao ang rally para suportahan ang tapat, mahusay, masipag at makataong lider nang walang kapalit na pera? 

“Paninindigan at pag-asa ang tawag dun, at di kailangan ng bayad,” dagdag ni Bianca.

Hindi man tinukoy ni Nikki Valdez, tila nagparinig siya kay Remulla. “Gano’n kasi talaga kapag prinsipyo at puso ang puhunan,” post naman ng artista. “Alam niyo po yung salitang priceless? Parang hindi.”

Pinagtawanan naman ng komedyanteng si Ogie Diaz ang bintang ni Remulla sa mga dumalo sa rali na umano’y mukhang mga estudyante na naturuan ng mge rebeldeng komunista.

Nakakatawa yung nambibintang ka ng red-tagging, hakot at bayaran, nakita mismo ng mga mata mo, dahil natrapik ka, eh di dapat vinideo mo para [may] ebidensiya ka. Kaya pala merong #BoyingSinungaling na trending,” tweet ni Ogie.

Hindi pa natapos dito si Ogie at hinalungkat niya ang isyu ng kapatid ni Remulla na si Jonvic Remulla, gobernador ng Cavite, na sampu sa mga taga-suporta nito ay natimbog ng mga pulis noong 2019 sa umano’y pamimili ng boto.

Sa isang Facebook post naman ay pinuri ng dating special adviser ng National Task Force on COVID-19 na si Dr. Tony Leachon ang paninindigan ng mga dumalo sa grand rally ni Robredo sa Cavite.

Paninidigan ang tawag doon at hindi P500,” giit ni Leachon.

Ayon naman sa isang doctor at Twitter user na si Doc Deane, nagbigay ang Cavite Doctors for Leni ng P20,000 para makapagdagdag ng dalawang ambulansya at emergency medical technicians para sa event noong March 4.

Ako nag-ayos ng lahat ng ito, at ako ang main doctor for the emergency response for the 47k people who were there. 500 Pesos? ’Wag ako,” sabi nito sa kanyang post.

Trending ang #BoyingSinungaling sa Twitter mula Linggo hanggang nitong Lunes ng gabi.

Nagsilabasan ang mga personalidad na “kakampink” sa social media para depensahan ang kanilang kandidato na nangunguna na sa paramihan ng tao na dumadalo sa mga pagtitipon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …