Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bela Padilla

Bela walang driver, walang assistant, back to basics sa London

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NILINAW naman ni Bela Padilla na hindi totoong sa London na siya maninirahan for good at iiwan na ang career sa Pilipinas.

Sa digital media conference ng isinulat at idinirehe niyang pelikula sa Viva Films, anf 366 sinabit nitong babalik siya sa Pilipinas ngayong taon para mag-promote ng pelikula.

Anf 366 ang directorial debut ni Bea para sa Viva Films.

“I think this year, the universe really conspired for me to be happy and to be complete as a person. So, I was able to achieve so many firsts in my life, aside from ‘366,’ which is my directorial debut and first film na I guess talagang ang feeling ko I created.

Bela Padilla 366 Zanjoe Marudo JC Santos

“I was able to move to London, start a life here. I was able to figure out things I want for myself in the next few years, and I think malaking blessing siya kasi nagawa ko siya during the pandemic so I’m very thankful.

“Babalik ako ng April to promote ‘366’ with Zanjoe Marudo and JC Santos. Pero for now, this is my home base, so babalik din ako riro after April,” paliwanag ng aktres/direktor.

Anang aktres na sa pag-uwi niya sa ‘Pinas ay sasabak siya sa lock-in shoot ng movie nila ni Marco Gumabao, ang  Spellbound na nahinto dahil sa pandemic.

Marco Gumabao Bela Padilla

Kailangan ko mag-continue ng shoot ng ‘Spellbound’ pag-uwi ko ng Pilipinas kasi naiwan namin siya, naabutan kami ng pandemic noong nagsu-shoot kami ni Marco Gumabao, but I will do that in Manila in April,” ani Bela.

Tiniyak naman pa ni Bela na maayos ang kalagayan niya sa London kahit mag-isa lang siyang naninirahan doon. 

“I would say life is good at the moment. I’m enjoying London. I’m having fun here. Medyo back to basics po ako ngayon. Siyempre, wala akong kasama.

Nawala lahat ng mga bagay na nagpapa-komportable sa buhay ko sa Pilipinas, like wala akong kotse riro. Hindi ako marunong mag-drive sa right side ng kotse, so ayoko siyang subukan.

“Wala ‘yung driver ko rito, wala ‘yung assistant ko. So, back to basics po ako ngayon. Lahat ako muna ang gumagawa and I’m enjoying it.

“I have always been quite independent but I think this complete aloneness is new to me, but I’m liking it,”kuwento pa ni Bela.

Bela Padilla Norman Bay

Ukol naman sa  Swiss-Italian boyfriend niyang si Norman Bay, nagkikita sila kahit nasa Zurich ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …