Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Castillo Klinton Start

Aspire Magazine sa HK naman magkakaroon ng billboard

MATABIL
ni John Fontanilla

PAGKATAPOS ibandera sa New York, Los Angeles, California, at Florida, magkakaroon din ng billboard ang Aspire Magazine Global sa Hongkong, ito ang tiniyak ng publisher ng Editor Aspire Magazine Philippines na si Allen Castillo.

Makakasama pa rin sa nasabing billboard ang actor at tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start kasama ang ilang A1 Models ng House Of Mode Ele.

Ayon kay Allen, “Bale from New York City, Los Angeles, California and Florida USA, isusunod ko ang Hongkong at ilang countries sa Asia na  magkakaroon ng billboard ng mga model natin sa Pilipinas kasama si Klinton.

“Marami pang plano kasi from Asia, gusto ko ring maglagay ng billboard ng ‘Aspire Magazine Global’ sa Europe at Africa soon,” pagbabalita nito.

Dagdag pa ni Allen,  “And kasabay ng pagkakaroon ng billboard sa countries na nabanggit ko magdadala rin ako ng mga model doon para sa isang malaking fashion shows and magkakaroon din ng copy ng ‘Aspire Magazine Global,’ sa tulong ni Lord sana magawa ko lahat ito ngayong taon

“Pero  this year din magkakaroon ng billboard ng ‘Aspire Magazine’ sa Pilipinas, so tuloy na tuloy na talaga ito.”

Ngayong taon ay papangalanan na rin ni Allen ang ilang inspiring personalities na mailalagay sa Aspire Magazine Philippines/Global 2022 at ilan dito ay sina RS Francisco (Frontrow), Pete and Cecille Bravo (Intele), Raoul Barbosa (Wemsap), Ima Castro (Miss Saigon), Luke Mejares  (singer), Jos Garcia (international singer) Joed Serrano (actor/businessman ), Dra. Analiza Borras (Swiss Dental Clinic), Daniel Matsumaga, Gerald Santos, Gino Padilla, Mark Meily (director) atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …