Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rayver Cruz

Rayver naka-move on na — ‘Pag nagmahal dapat marunong ka rin tumanggap ng sakit 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ni Nelson Canlas kay Rayver Cruz para sa 24  Oras, sinabi ng aktor na naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Janine Guttierez.

Sabi ni Rayver, “Okay na ako, eh. Naka-move on na ako, 2022 na. Masasabi ko na naka-move on na ako. I’m happy.

“’Pag nagmahal ka, hindi naman… dapat marunong ka rin tumanggap ng sakit sa mga circumstances na puwedeng mangyari,” paliwanag ng aktor.

Nilinaw pa ni Rayver na walang third party involved sa break-up nila ni Janine.

Kinaklaro ko po, there was no third party involved, especially on my end,” diin ni Rayver.

December 2021, nausisa si Janine sa It’s Showtime kung ipinagpalit ba siya ni Rayver sa ibang babae. Sagot ng aktres ay, “wala namang ganern.”

So, kung ganyan ang sagot ni Janine, ibig sabihin, hindi totoo ang lumalabas na balita na si Julie Anne San Joseang dahilan kaya nagkanya-kanya na sila ng landas ni Rayver, ‘di ba? Si Julie Anne nga kasi ang sinasasabi na third party.

Pero mayroon din naman na nagsasabi na si Paulo Avelino ang dahilan sa parte naman ni Janine. Mula nang magkasama raw kasi ang dalawa sa seryeng Marry Me, Merry You, sinasabing nagkamabutihan sila.

So, wala rin itong katototohanan since sinabi nga ni  Rayver na walang third party sa break-up nila ng dalaga ni Lotlot de Leon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …