Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pepe Diokno Chel Diokno

Award-winning director Pepe Diokno muling nakatrabaho ang tatay na si Chel Diokno

VERY proud ako sa kanya kasi napaka-komportable na niya in front of the camera. In 2019, he was still getting used to things,” ani multi-awardee director na si Pepe Diokno na sa ikatlong pagkakataon, ay nagkaroon ng tsansa na magdirehe ng campaign video ng kanyang amang si senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno.

Gumawa ng dalawang video shoots si Pepe kasama ang ama sa unang pagpasok nito sa politika noong 2019. 

Tatlong taon ang nakalipas, napansin niya na may kakaiba sa kanyang ama nang gawin nila ang unang campaign video para sa 2022 elections

At sa muling pagdidirehe sa kanyang ama napansin niyang komportable na ito kompara noong ina.

Pinuri ni Pepe ang ama hindi dahil sa anak siya kundi sa pananaw ng isang director dahil mabilis ito sa set at sa pagiging totoo niya sa pagbigkas ng kanyang mensahe at plataporma sa taumbayan.

Pero ngayon, objectively speaking, ang bilis na niya on set. And watching him, ramdam mo talaga yung puso at pagiging totoo,” ani Pepe, na tinutukoy ang bagong 55-segundong campaign video na inilunsad noong isang linggo.

Sa kayang bagong video, binigyang diin ni Diokno ang kahalagahan ng pagbibigay sa inaapi at mahihirap na Filipino ng agarang libreng tulong legal para magkaroon sila ng patas na pagkakataon sa paghahabol ng hustisya.

Kaya ang hangad ko, bawat Filipino ay mabigyan ng access sa libreng serbisyong legal sa kanilang barangay upang masagot ang kanilang katanungan at mailapit sila sa angkop na abogado,” dagdag pa niya.

Isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang inilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan kapag nanalo siya bilang senador.

Paiigtingin din ni Diokno ang barangay justice system ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kapabilidad ng Lupong Tagapamayapa sa pagtugon sa mga isyung legal.

Makatutulong din ang pagpapalakas ng barangay justice system para mabawasan ang kaso sa mga hukuman dahil mareresolba na ito sa barangay pa lang, punto pa ni Diokno.

Libreng serbisyong legal sa bawat baryo. Ang dehado, gawing lyamado!” wika ni Diokno sa campaign video.

Nakuha kamakailan ni Diokno ang suporta ng aktres na si Heart Evangelista at social media influencers na sina Sassa Gurl, Pipay at Gaia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …