Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vivamax
Vivamax

Vivamax 2.5 million na ang subscribers
2 bagong titles ilalabas linggo-linggo

PATULOY na namamayagpag at pag-achieve ng iba’t ibang milestones ang no. 1 streaming platform ngayon sa Pilipinas, ang Vivamax. Sa selebrasyon ng kanilang unang anniversary  noong January 29, 2022, gold standard na agad ang Vivamax sa paglago ng digital entertainment dito sa ‘Pinas.

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng 14 million views ang Vivamax, ito ay dahil na rin sa pinaghalong husay at kalidad ng mga pelikula at serye mula sa Viva, pati na rin ang magandang line up ng mga Korean movies at Hollywood blockbusters, at linggo-linggong premieres ng  Vivamax Original and Exclusive titles.

Sa dami ng mapapanood sa Vivamax, nahiyakat nito ang mga viewer na mag-subscribe at nagkaroon na ng 2.5 million users sa unang quarter pa lang ng 2022. At siguradong mas dadami pa ito, dahil ngayong taon dalawa na ang ilalabas na bagong titles linggo-linggo.

All around the world, kaya na ring marating ng 100% Pinoy streaming platform at ngayong 2022 naghahanda na ang buong Vivamax Family para sa mas maraming  magiging subscribers mula sa iba’t ibang parte ng mundo, dahil pwede nang mapanood ang Vivamax sa mas maraming pang bansa gaya ng United States, Canada, Italy, Spain, United Kingdom, Germany, Norway, France, Sweden, Netherlands, Belgium, Switzerland, Saudi Arabia, UAE, Kuwait, Qatar, Bahrain, Oman, Jordan, Lebanon, Israel, Egypt, Turkey, Australia, Brunei, Hong Kong, Indonesia, Japan, Korea, Macau, Malaysia, Maldives, New Zealand, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, at Vietnam. 

Sa unang quarter din ng 2022 mas namamayagpag ang Vivamax Plus, ang pinakabagong pay-per-view service ng Vivamax. Inilunsad noong huling quarter ng 2021,  sa Vivamax Plus unang mapapanood ang mga pinakabagong Vivamax Original movies, mga digitally-enhanced classics mula sa daan-daang pelikula ng Viva Films, newest blockbusters mula sa  Korea at Hollywood, mga concert specials mula sa Viva Live, at marami pang iba. Lahat ng ito, mapapanood in 4K resolution. 

Para magpasalamat sa tagumpay ng unang taon nito, may inihahanda ang Vivamax na sorpresa para sa parami nang parami pa nitong subscribers at siguradong kaabang-abang ito.  

Patuloy pa rin ang Vivamax sa pagtupad sa mga pangako ng Viva–ang mag-produce ng mga pelikulang pinagbibidahan ng mga mahuhusay at naglalakihang artista, magkaroon ng mga pelikulang may iba’t ibang tema, at patuloy na maghatid ng kasiyahin mula sa mga palabas na tiyak magugustuhan ng bawat Pinoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …