Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marc Cubales Jay Altarejos

Marc Cubales magpo-produce para makatulong

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NOON pa man, pagtulong na ang laging una sa international model, producer, businessman at aktor na si Marc Cubales kaya hindi na kami nagtaka nang sabihin nito sa amin na gusto niyang mag-produce para makatulong sa industriyang labis na naapektuhan ng pandemic.

At kamakailan, inilunsad na ang kanyang media at film production company na MC Production House gayundin ang unang pelikulang ipo-produce niya, ang Finding Daddy Blake.

Marami tayong mga artista, baguhan man o veteran na world-class ang talent. I wanna help them. Time naman nila to shine. Behind the camera na lang ako,” sambit ni Marc.

Ang multi-awarded director na si Jay Altarejos ang hahawak ng proyekto, siya rin ang sumulat ng screenplay.

BL film ito na may kakaibang twist. Hanggang diyan lang muna ang pwede kong ikuwento para walang spoiler,”buong ningning na pambungad ni Direk Jay. 

“Base ito sa true events na naganap sa simula ng pandemya. Dalawang teenager, sina Elijah at ang batang social media personality na si Kokoy, ay nagkataong nagkatagpo upang hanapin at maghiganti sa nambiktima at nang-abuso sa kanila na si Daddy Blake. Sa pag-usad ng kanilang plano para magapi si Daddy Blake, madi­diskubre nila ang unti-unting pag-usbong ng kanilang pag­titinginan sa isa’t isa,”  pag­kukuwento ni Direk Jay.

Pangungunahan ng  critically acclaimed actress na si Rita Avila ang Finding Daddy Blake kasama ang 2021 FAMAS, Gawad Tanglaw at Gawad URIAN Best Supporting Actress awardee na si Dexter Doria3rd Pista ng Pelikulang Pilipino Best Supporting Actor awardee Gio AlvarezFACINE International Film Festival Best Actor awardee Oliver Aquino, Riverside International Film Festival (California,  USA) Best Actor awardee Carlos Dala, ang theater actor na si Jonathan Ivan Rivera at marami pang mapangahas na baguhang talents. 

Abangan ang Finding Daddy Blake sa iba’t ibang international film festivals, lokal na sinehan at iba pang global streaming platforms. Hatid ng MC Production House sa pakikipagtulungan ng 2076 Kolektib.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …