Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga Louise delos Reyes

Diego nagpakita ng butt sa The Wife

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BAGO pa man inihayag ni Diego Loyzaga na handa siyang makipagsabayan sa mga hubadero, na siyang trend ngayon, nagawa na niya ito sa bagong pelikulang handog ng Viva Films, ang The Wife na mapapanood na sa Vivamax sa February 11 na idinirehe ni Denise O’Hara at pinagbibidahan din nina Louise delos Reyes at Cara Gonzales.

Naikuwento ni Diego sa digital media conference ng The Wife kamakailan na mayroon siyang butt exposure sa pelikula. Bale ito ang unang pagkakataong ginawa ng aktor ang pagpapakita ng puwet at iyon ay dahil na rin sa pangungumbinse sa kanya ng lady director.

Aniya, ang butt exposure ay bahagi ng isang love scene nila ni Cara na gumaganap na girlfriend niya bago pa napangasawa si Louise.

Paliwanag ni Direk Denise, hindi iyon basta pagpapakita ng puwet. ”Hindi naman siya sapilitan at saka hindi naman ‘yung pagkakapakita, it’s not stark in your face. It’s not like that.

“I mean, I hope ma-appreciate nila ‘yung brand ng sensuality na ipinakita ng movie because it’s different from other sexy films. 

“Hindi ito ‘yung sasabihin mo na very graphic. We hope na-achieve namin ‘yung sensuality from a prespective ng babae.”

Sinabi pa ng filmmaker na hindi niya kinailangang kumbinsiheng mabuti si Diego. ”I think it just flowed and mayroon naman kaming understanding with each other na kung paano ipakikita yun na tasteful.”

Sinabi naman ni Diego na, ”‘Yung mga love scene, it didn’t feel like parang difficult. She made it very easy to do.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …