Tuesday , November 19 2024
Ping lacson Vic Sotto Tito Sotto

Vic buong-buo ang suporta sa Lacson-Sotto Tandem

LUBOS ang paghanga ni Vic Sotto sa tandem nina Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson at ng vice presidential bet nito na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III kaya naman inihayag niya ang solidong suporta sa mga ito na tatakbo bilang Presidente at Bise-Presidente.

Bilib si Vic sa integridad, katapangan at malinis na track record sa serbisyo publiko sa nakaraang limang dekada ni Ping.

Siyempre ang iboboto natin, walang iba kundi ang aking hinahangaang senador, si Senator Ping Lacson,” sambit ni Bossing Vic sa isinagawang proclamation rally ng Lacson-Sotto tandem kamakailan.

Ako ay hanga sa katapatan nitong taong ito – katapatan sa pagbibigay ng serbisyong publiko. Nakita natin ‘yan sa record niya. At pagdating sa katapangan ‘di mo matatawaran. Kabitenyo, eh. Katapangan para labanan ang mga tiwali sa gobyerno, para labanan ang korapsyon sa gobyerno,” giit pa ni Vic.

Para kay Lacson diin ang pagsisilbi sa Malacañang ay isang serbisyo sa publiko na ang mga lider ay hindi dapat na ituring na “master” kundi isang tao na dapat naninilbihan sa taumbayan.

Inihayag din ni Vic  ang buong suporta sa pagtakbo ng kanyang kapatid na si Tito. “Siya ang makatutulong ng ating Pangulong Ping para ayusin ang gobyerno, ayusin ang buhay nating lahat.”

Matapos magsalita ni Vic, itinaas nito ang mga kamay nina Lacson-Sotto bilang simbolo ng pagsuporta. 

Samantala, kasama rin sa mga Dabarkads na pumunta sa rally sina Jose Manalo at Wally Bayola gayundin ang basketball superstar at asawa ni  Danica na si Marc Pingris.

Sa kabilang banda, tiniyak ni Lacson na inobserbahan ang mandatory health protocol at physical distancing sa lahat ng mga dumalo sa proclamation rally, alinsunod sa polisiya niya para sa isang disiplinadong pangangampanya.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin muli ni Lacson ang kanyang pangako na “Aayusin ang Gobyerno, Aayusin ang Buhay ng Bawat Pilipino” at ang pagpapanagot sa mga tiwali sa gobyerno (“Uubusin ang Magnanakaw”).

Paalala ni Lacson sa taumbayan, maging matalino at mapanuri sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.

Giit ng presidential aspirant sa kanyang mga kapwa Caviteño, mamumuno siya nang may disiplina at katapatan sa kanyang tungkulin.

Ako po ay humaharap sa inyo bilang isang kababayan, lehitimong taga-Imus, lehitimong taga-Cavite. Kapag ako ay pinagpala na maglingkod, hinding-hindi ko kayo ipahihiya. Hinding-hindi ko kayo bibiguin!” ani Lacson. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …