TULOY TULOY ang serbisyo publiko ng internationally acclaimed actor na si Arjo Atayde na tumatakbo bilang Kongresista ng Unang Distrito ng Quezon City.
Nag-donate and actor ng 49 laptops para sa lahat ng mga daycare center ng District 1 ng Quezon City na maaring magamit ng mga guro at mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Iginawad ni Atayde ang mga laptop units sa Pedrista Event ng Barangay Damayan sa Basilica Minore de San Pedro Bautista kung saan kasama niya sina TJ Calalay, Joseph Juico, Bernard Herrera, at Charm Ferrer – na lahat ay tumatakbo naman bilang Konsehal ng QC D1. Nakasama din nila ang incumbent QC Mayor na si Joy Belmonte via Zoom.
“Hindi dapat matigil ang pag-aaral ng mga kabataan lalo na ngayong panahon ng pandemya,” sabi ni Atayde. “Kailangan nila ng access sa technology upang lalong mapag-ibayo ang mga lessons na kanilang pinag-aaralan at umaasa ako na mapag-yayaman ang mga laptops sa kanilang edukasyon at pag-aaral.”