Tuesday , December 9 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Cruz Europe

Joel Cruz papasukin na rin ang skin care business

HARD TALK
ni Pilar Mateo

GAME na game ang Lord of Scents na si Joel Cruz sa aming tsikahan with him after ng pa-dinner sa close friends niya.

Matagal siyang nawala nang sa Europa sila magdiwang ng Pasko at Bagong Taon ng mga anak na walang binitbit na mga yaya!

Iniwasan ni Joel na sa tahanan nila sa Sampaloc sila mag-Pasko dahil mangungulila lang siya nang lubusan sa pagkawala ng kanyang butihing inang si Mama Milagring.

Pero sa kabila niyon, inalala rin niya ang kanyang babies na maging masaya ang Kapaskuhan sa gitna ng pandemya.

At mukha ngang guided sila ni Mama Milagring. Dahil nakaiwas sila sa isang aksidente on the road. At nang makita niya ang larawan ng isang anghel sa billboard, he knew it was his Nanay na mahilig at naniniwala sa mga anghel na gumabay sa kanila the whole trip.

Ngayong balik na sila sa ‘Pinas, business as usual nasi Joel sa kanyang Aficionado perfumes at Takoyatea (milk tea and Japanese food).

At sa bakasyon nila sa walong bansa sa Europa, nakuha pa nito na makapag-isip ng maidaragdag pa sa kanyang growing business.

Ano itong dadagdag sa listahan na plano niyang ilunsad very soon?

Apart from the 11 variants ng bath and body spray and the scents endorse by John Lloyd (Cruz), Vice Ganda, Jason (Abalos), Erich (Gonzales), Pauline (Luna) and Nonito (Donaire), may ilu-launch na kami na personal care products for men and women and sa home care.  Marami. Kaya ‘am sure, ang ating mga suki na sa perfumes, masisiyahan sa  pagkakaroon na ng pang-skin care, massage oils, even scented candles, dishwashing liquid, even spray for the men’s genitals.”

Hala! Interesado na ngayon pa lang ang mga “sissies” ko sa mag-e-endorse ng men’s genital spray.

Mayroon na bang naglalaro sa mga isip niyo? Bonggels! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …