Monday , December 23 2024
Korina Sanchez Ping Lacson

Korina aliw sa pa-farm ni Sen Ping

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI maitago ni Korina Sanchez-Roxas ang aliw nang magtungo sa farm ng presidential aspirant Ping Lacsonkamakailan.

Ibinahagi ng TV host-journalist ang pakikipag-bonding niya kay Sen. Ping sa farm nito sa kanyang Instagram account na kitang-kita ang saya sa mga ibinahaging pictures.

Ibinahagi ni Korina ang bonding nila ni ex-PNP Chief general, drug buster, anti-corruption senator sa bahay kubo gayundin ang pamimitas ng kalabasa at letsugas, at pamimingwit ng isda.

Pero ibinuking ni Korina na ibinalik din nila ang mga nabingwit na isda sa tubig.

Ani Korina, refreshing makipagkuwentuhan kay Ping. “Refreshing makipagkuwentuhan sa isang personalidad na halos kasabayan ko bilabg journalist habang siya naman kabagsikan ng kanyang pagiging astig boss ng kapulisyahan.”

Ilang dekada rin ng interbyuhan ang namagitan sa kanila na ngayon ay isa pang magsasaka. “We both saw history unfold, and this country go forward backwards and sideways.”

Hindi pa roon natapos ang saya ni Korina, na-excite rin siya sa pabaon ng senador na kapeng barako, banana cue, at sapin-sapin.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …