SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
PURO sexy ang mga nagawa at ginagawa ni Christine Bermas na pelikula sa Viva Films. Nariyan ang Siklo na 1st project niya sa Viva at pinagsamahan nila ni Vince Rillon at nasundan agad ng Sisid na pinagbibidahan nila nina Paolo Gumabao, Kylie Verzosa, at Vince.Palabas na ito sa Vivamax Plus at mapapanood naman sa Vivamax simula March 18.
Bagamat matitindi ang mga lovescene na nasasabakan ni Christine keri lang niyang gawin iyon dahil tiwala siya sa mga direktor niya lalo na rito sa Sisid na si Direk Brillante Mendoza ang nagdirehe.
Sa zoom premiere ng Sisid kamakailan inamin ni Christine na hindi niya pinanonood ang mga sensitive scene o ‘intimate scene. Matapang siyang gawin ang anumang hinihingi ng kanyang karakter bilang asawa ni Vince na nabuntis.
At siyempre bilang mag-asawa asahan na ang matitinding sex scenes. Pero hindi pala ito pinanonood ni Christine. Tila hindi niya feel makita sa screen ang sariling nakikipagkangkangan.
“Hindi ko siya (maseselang eksena) pinanonood,” giit nito. “Ini-skip ko. Parang ayaw ko mapanood ‘yung mga sensitive scene.”
Samantala, matindi ang love scenes nina Paolo at Vince na bagamat parehong straight na lalaki, si Paolo ay asawa si Kylie at si Vince ay si Christine, na-attract sila sa isa’t isa. Kung may ilang eksenang ipinakita ang ilang ulit nilang pagniniig.
Paliwanag ni direk Brillante sa intimate scenes nina Paolo at Vince, “Sa buhay, magkasama naman ang love and lust. It’s always going to be there. If we showed that here, that is because that is reality.
“Para sa akin, films are supposed to mirror reality. As a filmmaker, responsibility ko na maipakita ang totoo sa mga manonood.
“These are good, interesting stories worth telling. May mga sinasabi sila. Hindi ito puro sex lang. No matter how you put it, sex sells.
“We cannot deny the fact that people want to watch sexy films, especially Filipinos, for that matter. ‘Yun talaga ang pinanonood nila, eh. But ‘yun nga, these are not just about sex. Parte siya ng pelikula but that is not the focus,” paliwanag ng premyadong direktor.
Totoo ang tinuran ng direktor dahil hindi lang puro maiiniy na eksena ang pelikula kundi puno rin ng nagbabagang emosyon at drama.