Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheryl Cruz

Sheryl mukhang kaedaran lang ng mga Primadonnas

MATABIL
ni John Fontanilla

FRESH na fresh at mukhang batambata si Sheryl Cruz habang nagti-Tiktok kasama sina Althea Ablan at Sofia Pablo ng Primadonnas Book 2.

At kahit nga napakalayo ng agwat ng edad ni Sheryl sa dalawang dalagita ay halos hindi nalalayo ang histsura ng mga ito. At ang sikreto ni Sheryl ay ang palaging masaya, positibo sa buhay, at mag-exercise kaya naman napapanatili nito ang youthful look.

Kuwento ni Sheryl na nag-enjoy siya nang husto kasama ang mga bagets ng Primadonnas dahil naging bonding moment nila ang pagti-Tiktok during lock in taping nila.

Dagdag nga nito, “Masaya, nakatutuwa sila at sa edad nila nakikita ko na ‘yung dedication nila sa kanilang trabaho. Magagalang, malalambing, full of energy at eager silang makinig sa mga payo na makabubuti para sa kanilang karera, maski ang boys.

“I admired all 4 girls: Jillian, Althea, Sofia & Elijah. I also like Jewel, masipag at napaka-generous din.

“Since madalas kong nakaka-eksena sina Sofia at Elijah I’ve grown fond of them, I see that they are really talented and it’s easy to work with them.

I had some scenes with Jillian and Althea and enjoyed the scenes we made sa series kaso bitin, I’d like to get to know them better in future projects. They too are talented.

” As a matter of fact, I am looking forward to working with Althea & Elijah and my other cast mates sa ‘Prima Donnas Bk 2’ for our  ‘Tadhana’ guesting this Jan 17 & 19 na ang taping.”

Sa pagpasok ni Sheryl sa Primadonnas Book 2 ay kaabang-abang kung ano ba ang role na gagampanan nito bilang si Bethany “Betty” Howards sa buhay ng mga Primadonnas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …