Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi

Yasmien at anak na si Ayesha nagpositibo sa Covid

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY paalalang hatid ang former Las Hermanasstar Yasmien Kurdi sa mga magulang, matapos niyang makompirma na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa post ng aktres sa Instagram Story, ipinasilip niya sa kanyang followers ang resulta ng kanyang RNA-PCR test. Sa kasamaang palad, nag-positibo rin ang kanilang anak ni Rey Soldevilla na si Ayesha Zara.

Nangyari na ang pinangangambahan ni Yasmien nang magpa-interview sa entertainment press noong May 2020. Ibinahagi kasi ng StarStruck first princess ang “greatest fear” niya ngayong may pandemya.

Saad ni Yas noon, “Siyempre ang fear ko bilang isang ina is ‘yung magkasakit ‘yung anak ko. So ‘yun ‘yung pinaka-ayaw ko mangyari. Ayokong magkasakit kahit sinong miyembro ng pamilya ko. Talagang pinoprotektahan ko ‘yung anak ko, when it comes to that.”

Sa isa naman niyang Instagram post, nag-post ito ng family photo at may kaakibat na mensahe sa mga pamilyang dumadaan ngayon sa matinding pagsubok.

Post ni Yasmien, “Have a blessed Sunday Stay healthy Mommies, Daddies and kids! God bless po! #Labanlang.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …