Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Mark Anthony Fernandez

Claudine sa pakikipagtrabaho kay Mark Anthony — It’s easy and we really have a good rapport

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

VERY positive ang aura ni Claudine Barretto nang humarap sa virtual media conference ng pelikulang pinagtambalan nila ni Mark Anthony Fernandez, ang Deception na handog ng Viva Films at Borracho Productions. Maganda kasi ang pasok ng Bagong Taon sa aktres dahil  nagkasama-sama silang magkakapatid gayundin ng kanyang mga pamangkin.

Ani Claudine, maganda ang simula ng taon niya dahil nakasama niya ang kanyang buong pamilya.

“Nag-New Year kami sa Subic at kasama ko ‘yung mga pamangkin ko, mga anak ni Marjorie. Magkakasama kami. We really celebrated New Year with a bang, with so much love and peace of mind,” masayang kuwento ng aktres.

New Year was really really that fun. We all spent it sa Olongapo, sa bahay namin sa Subic with my whole family.

“First time na nabuo ‘yung pamilya namin, except ‘yung dalawang ate ko kasi nasa abroad. We were all together, especially my nieces and nephews, kasama ko noong New Year.

“Sinalubong namin ‘yung New Year with so much love and happiness and so much peace,” kuwento pa ni Clau. 

Ang Deception ang reunion movie ni Claudine at ng dating boyfriend na si Mark Anthony. Mapapanood na ito sa January 28 sa Vivamax na idinirehe ni Joel Lamangan.

Isang drama-mystery film ang Deception na ang istorya’y iikot  kina Rose (Claudine), isang sikat na aktres at ni Jericho (Mark Anthony) na isa namang stunt double, na nahulog sa isa’t isa at nagpakasal. 

Sa pagsisimula ng kanilang pamilya, nagkaroon sila ng anak, si Thomas. Maayos ang kanilang pamilya dahil puno iyon ng pagmamahal, pero ang inaakalang isang masayang pamilya na may magandang kinabukasan ay unti-unting masisira. Inakusahan si Rose sa salang pagpatay sa kanyang asawa at makukulong ng 10 taon. Sa pagkakakulong ni Rose at pagkamatay ni Jericho, ang kanilang anak ay dadalhin sa bahay ampunan. Sa paglaya ni Rose, susubukan niyang magsimula ulit at buuin ang mga bagay na nawala sa kanya, isa na rito ang paghahanap sa kanyang anak. Pero sa pagbabagong-buhay, lalantad ang lahat ng kasinungalinang sumira sa kanyang buhay.

Masaya kapwa sina Claudine at Mark Anthony sa muling pagsasama after after 25 years.

 “Ang gustong-gusto ko kay Claudine, naging independent woman siya, ‘yun ang napansin ko,” sabi ni Mark.

Working with Mark is very easy and we really have a good rapport,” sambit naman ni Claudine na comeback din niya ang pelikulang ito matapos ang anim na taon.

Ang pelikulang ito ay idinirehe Lamangan. Si Direk Joel na kilala sa pagkakaroon ng mga critically acclaimed movies kagaya ng The Flor Contemplacion Story ay buo ang pagtitiwala sa kuwento at mga actor ng pelikula. Aniya, “(Claudine is) a good actress who should be given another chance in showbiz.” 

Mula sa Viva Films at Borracho Film Production, ang Deception ay mapapanood exclusive, simula sa January 28 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada, at America.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …