Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janine Gutierrez Paulo Avelino

Paulo at Janine ayaw pa ring pabuking sa tunay na relasyon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAHIT anong piga ng entertainment press na dumalo sa finale media conference ng Marry Me Marry You sa tunay na relasyon nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez hindi sinagot  ng dalawa. Kahit pa nga halatang may namumuong magandang relasyon sa dalawang bida ng romcom series.

Tinanong si Janine kung ano na ba talaga ang score sa kanila ng aktor. Hindi iyon diretsong sinagot ng dalaga at ibinaling ang kuwento sa mga co-star nila sa serye sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano na nagkaroon ng relasyon.

Ha-hahaha! Gusto ko lang sumagot na lahat kami naiinggit kay Miss Pie at kay Tito Edu kapag nakikita namin sila magkasama.

“Walang tatalo sa kaswitan nila kasi. At saka talagang tinakasan nila kami today,” masayang sabi ni Janine.  

Muling inurirat sina Janine at Paulo ukol sa kanilang relasyon pero ngiti lamang ang isinagot ng dalawa. 

Ani Paulo, “Ako po, si Janine lang hinihintay lagi. So, tingnan natin kung hindi kami masyadong busy for this year. May sari-sarili kaming gagawin for this year.”

After ng Marry Me Marry You, madalas pa ring magkikita ang dalawa dahil magkasama sila sa Kapamilya concert tour sa Los Angeles ngayong 2022 na tatagal ng mahigit dalawang linggo. Kaya naman may nagsabing baka roon magkadebelopan ang dalawa.

Pero hindi naman kami sa isang kuwarto matutulog,” ani Paulo.

“Huy! Dapat lang! Ha-hahaha!” kabig naman ni Janine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …