Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes John Arcilla

Dingdong at John nakabibilib ang galing sa A Hard Day

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAS mahusay, mas maganda, at mas magaling sina Dingdong Dantes at John Arcilla sa Philippine adaptation ng 2014 South Korean Crime Action film na A Hard Day na entry sa 2021 Metro Manila Film Festival ng Viva Films.

Pinagbidahan naman nina Lee Sun-Kyun at Cho Jin-woong ang South Korean film.

Mas maganda rin ang pagkakadirehe ni Lawrence Fajardo kompara kay Kim Seong-Hun.

Actually, parehong-pareho at walang binago ang pagkakalahad ng Philippine adaptation kaya hindi maiwasang maikompara.

Mas nagustuhan namin ang Philippine adaptation dahil ibang klase ang husay na ipinakita nina Dingdong at John sa kanilang pag-arte. Talagang pang-best actor at best supporting actor.

Kaya posibleng magkamit din sila (ng awards) tulad ng Korean version na maraming nakuhang award mula sa iba’t ibang award-giving bodies kabilang na ang Baeksang Arts Awards na itinanghal na Best Actor at Best Director.

Naawa lang kami kay Dingdong na bugbog sarado bilang detective na nakasagasa ng hindi niya alam na wanted kaya naman para maitago ang krimeng ginawa, isinama sa kabaong ng ina ang lalaki.

Nabwisit naman kami kay John na talaga namang napakahusay bilang kalaban ni Dingdong na nakasaksi sa krimen nito kaya binlack-mail ang aktor.

Humanga kami sa maraming shots ni Direk Lawrence. Maraming tagpo ang nakagugulat tulad ng blasting at iyong paghulog ng malaking container.

Isa itong magandang pelikula ni Direk Lawrence na karapat-dapat pag-aksayahang panoorin handog ng Viva Films ngayong 2021 Metro Manila Film Festival.

Bukod kina Dingdong at John, kasama rin sina Janno Gibbs, Meg Imperial, Al Tantay, Lou Veloso, Rafael Siguion Reyna at marami pang iba. Mapapanood ito simula December 25 sa mga sinehan.

Sa kabilang banda, nanawagan naman si Dingdong ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Odette. 

“Now more than ever, ito ’yung panahon na kailangan nating ipakita ang suporta natin sa ating mga kababayan,” aniya sa isinagawang red carpet premiere ng A Hard Day sa SM Megamall noong Miyerkoles ng gabi.

Sumuporta kay Dingdong sa premiere night ang mga kasama niya sa pelikulang sina Janno at Meg. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …