Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban, Antoinette Jadaone, The Kangks Show

Angelica perfect na Dr Kara Teo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pala itutuloy ni Direk Antoinette Jadaone ang mini-series na The Kangks Show sa WeTV kung hindi ito tinanggap  ni Angelica Panganiban.

Katwiran ng direktor, si Angelica lang ang naiisip niyang perfect na makagaganap bilang Doctora Kara Teo na isang sex expert na nagbabasa ng mga sulat ukol sa experience at problema nila sa sex sa isang show.

“Si Angge lang talaga ang naisip ko habang kino-conceptualize ito. ‘Pag ‘di niya tinanggap, wala na ‘yung show, change concept na kami,” giit ni Direk Tonette sa isinagawang zoom media conference.

At nang finally ay pumayag na si Angelica noon lamang sila nag-casting ng makakasama pa ng aktres.

Ang The Kangks Show din ang reunion project ng aktres at ng direktor na naunang magkatrabaho sa Beauty In A Bottle (2014) at That Thing Called Tadhana (2015).

Thankful din si Direk Tonette na pumayag sina JC De Vera, Angeli Bayani, Maris Racal, at Kit Thompson na lumabas sa naturang mini series.

Hindi naman ng-aalala si direk Tonette sa negatibong epekto ng kanyang show.

Aniya, ”Matagal nang dapat pinag-uusapan ang sex na hindi bulungan at hindi kailangang I-bleep sa pelikula o TV.”

Ang The Kangks Show ay may eight episodes na mapapanood simula sa araw na ito, December 17, 8:00 p.m. sa WeTV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …