Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeffrey Hidalgo, Angeli Khang

Eva ni Direk Jeffrey bravest erotic film

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BRAVEST erotic film daw ang pelikula ni Direk Jeffrey Hidalgosa Viva Films, ang Eva na pinagbibidahan nina Angeli Khang, Sab Aggabao, Marco Gomez, at Ivan Padilla na mapapanood na sa December 24.

“Bravest erotic film daw itong movie namin kasi nga it’s really primarily about sex. Hindi side note lang,” anang dating miyembro ng Smokey Mountain.

At tulad ni Direk Antoinette Jadaone, naniniwala rin si Direk Jeffrey na panahon na para pag-usapan ang ukol sa sex.

“It’s about time na dapat pag-usapan ang sex na feeling ko rin naman sa ngayon na mas nagiging open na ang mga Filipino about sexual content on streaming platforms.

“Mas pwede siyang pag-usapan na hindi kagaya before na parang medyo taboo ang dating. Kaya ’yung grupo namin, nangahas na gusto naming pag-usapan ’yung ganoong topic. ‘Eva’ is really the sexual politics of Eva,” paliwanag pa ng singer-aktor.

Sinabi pa ni Direk Jeffrey na gusto ng grupo nila na iangat ang mga ganitong klase ng pelikula na sinimulan nila sa Eva.  

Ang Eva ay kuwento ng isang kasambahay na maraming gustong malaman pagdating sa sex.

“It’s from real accounts.‘Yung mga kuwento sa ‘Eva’ nanggaling talaga sa kuwento ng mga kasambahay, pinagsama-sama lang namin,” paliwanag pa ni Jeffrey.

Sa Eva muling patutunayan ni Direk Jeffrey ang husay niya sa pagtatahi-tahi ng kuwento na una na niyang naipakita ang galing sa pagdidirehe sa telebisyon at pelikula kaya nagkaroon na siya ng nominasyon bilang best director sa FAMAS at Star Awards for Movies.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …