Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beatrice Luigi Gomez, Marian Rivera

Beatrice Luigi Gomez kinabahan; Pinoy nanghinayang

ni John Fontanilla

MALAKI ang pang-hihinayang ng mga Pinoy na ‘di nasungkit ni Beatrice Luigi Gomez ang ikalima sanang korona ng bansa sa Miss Universe na puwesto lamang sa Top 5 kasama sina Miss Paraguay, Miss India, Miss Colombia, at Miss South Africa.

Kung hindi lang kinabahan at nag-buckle si Bea sa kanyang sagot sa katanungan ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, malamang nakapasok ito sa Top 3 at may chance na maiuwi ang 2021 Miss Universe Crown.

Pero saludo na rin ang mga Pinoy sa magandang laban na ipinakita ni Bea na mula sa 80 Candidates ng Miss Universe ay umabot sa Top 5, kompara last year kay  Rabiya Mateo na hanggang Top 21 lang.

Pinuri rin ng Netizens ang magandang National Costume nito na may temang “Bakunawa” at ang Gold Long Gown nito na gawa ni Francis Libiran.

Sigaw  ng mga Pinoy, bawi na lang next year (2022) at piliin  ang kandidatang ipadadala na katulad ni Catriona Gray, Miss Universe 2018, na mahusay sumagot at walang kaba sa Q & A.

Nagwagi bilang  Miss Universe 2021 si Miss India at 1st Runner up si Miss Paraguay, at 2nd runner up si Miss South Africa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …