Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cold Temperature

Pinakamalamig na temperatura naitala sa Baguio, NCR ngayong taon

INIHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City at National Capital Region (NCR) ngayong taon.

Sa naitala ng PAGASA, ang tempera­tura sa Baguio City ay bumagsak sa 11.4 Celsius bandang 4:50 am habang sa Science Garden monitoring station ng kanilang tanggapan sa Quezon City ay nakapag-record ng 20.4 Celsius dakong 6:15 am.

Ayon sa state weather bureau, ang malamig na temperatura ng hangin ay bunsod ng northeast monsoon (amihan) season at maaaring mag­tagal pa hanggang Pebrero sa susunod na taon.

Kabilang sa nairekord na may “low air temperature” nitong umaga ng Linggo ay ang Basco, Batanes na may 17.0°C, Tanay, Rizal -17.8°C, Casiguran, Aurora -18.8°C, Tuguegarao City, Cagayan-19.0°C, Abucay, Bataan- 19.1°C, San Jose, Occidental Mindoro- 19.6°C, Malaybalay, Bukidnon -20.0°C at Baler, Aurora na may 20.6°C.

Nabatid, ang pinaka­mababang temperatura ay naitala sa Baguio City na may 6.3 Celsius noong 18 Enero 1961 habang ang pinakamababa naman na naitala sa Metro Manila ay 15.1 Celsius noong 4 Pebrero 1987 at 30 Disyembre 1988.

 (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …