Tuesday , December 31 2024
Sir Jerry Yap JSY Percy Lapid
“WALA akong matandaan na magandang alaala na sasabihin ko ngayong gabi dahil lahat ng pagsasama na pinagsamahan namin ni Jerry Yap, lahat ‘yon maganda. Wala kaming masamang napagsamahan kaya hindi ko na ho hahabaan ang kuwento.”

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat.

Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang matagal nang panahon, panahon pa ni President Cory, mga 1986. Pero hindi kami naging close. Sa airport no’ng ako po’y naitalaga doon bilang reporter, at paglipas ng maraming taon nagkakilala kaming muli pero natatandaan pa namin ang isa’t isa, sa National Press Club noong 2005, nang ako po ay nagsisimulang bumalik muli sa aking propesyon bilang media man.

Nagsusulat sa isang maliit na pahayagan, lumalabas lamang weekly at noong magkakilala kami ni Jerry ay nabasa niya ‘yong mga isinusulat ko tungkol sa Customs at siya ang nagbigay sa akin ng malaking break sa aking propesyon.

Inalok niya ako kung kaya kong magsulat sa isang daily (wala pa ‘yong Hataw), ‘yon pa lamang po ‘yong isa, ‘yong Police Files at paglipas lang ng ilang buwan ay binuksan na po ‘yong Hataw na pang-araw araw.

Doon nagsimula ang aming pagiging magkaibigan na nagsimula bilang siya ay Boss ko. Pero si Jerry po, wala akong nakitang tao na kamukha niya. Na kahit na amo mo siya, pero ang turing niya sa ‘yo kaibigan. At no’ng bandang huli naging higit pa sa kapatid ang turing ni Jerry sa akin. Pumupunta ‘yan sa bahay namin para dalawin ako no’ng pagkatapos na ako ay maoperahan.

Kanina tinext ako ng mga kaibigan natin na empleyado rin ni Jerry. Sabi nila, magsasalita ka ng three minutes para sabihin mo ‘yong mga magagandang alaala na nakasama mo si Jerry Yap.

Wala akong matandaan na magandang alaala na sasabihin ko ngayong gabi dahil lahat ng pagsasama na pinagsamahan namin ni Jerry Yap, lahat ‘yon maganda. Wala kaming masamang napagsamahan kaya hindi ko na ho hahabaan ang kuwento.

Maging sa radyo, nagkasama kami sa programa ko, no’ng matanggal ako sa malaking himpilan, kumuha kami ng isang programa sa radyo na hanggang ngayon ay ipinagpapatuloy ko. ‘Di ko na po hahabaan at Jerry maraming, maraming salamat sa masasayang alaala ng ating pagsasama.

About Percy Lapid

Check Also

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …