Sunday , December 22 2024
Lincoln Ong Mohit Dargani Pasay city jail
DUMAAN sa medical check-up sa senado ang dalawang Pharmally executives na sina Lincoln Ong at Mohit Dargani bago inilipat sa Pasay city jail. Mananatili ang dalawa sa regular na detensiyon hangga’t hindi sila tumutugon sa itinatanong sa kanila tungkol sa maanomalyang bentahan ng medical equipment na ginagamit bbilang proteksiyon laban sa CoVid-19. Kailangan din nilang kompletohin ang mga dokumento na hinihingi sa kanila ng Blue Ribbon Committee ngunit hanggang ngayon ay wala silang naibibigay kahit isang pahina. (MANNY MARCELO)

2 opisyal ng Pharmally ‘di bibigyan ng VIP treatment — BJMP

TINIYAK ng isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang special treatment na ibibigay ang Pasay City Jail sa dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation, na inilipat sa naturang bilangguan nitong Lunes ng hapon, sa utos ng Senado.

Sa isang pahayag, sinabi ni BJMP spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, handa ang Pasay City Jail para tanggapin sina Lincoln Ong, director ng Pharmally, at Mohit Dargani, corporate secretary at treasurer ng kompanya.

Pagtitiyak ni Solda, walang special treatment na ipagkakaloob sa naturang Pharmally officials sa panahon ng kanilang pananatili sa Pasay City Jail dahil polisiya aniya ng BJMP na bigyan ng pantay-pantay na pagtrato ang lahat ng persons deprived of liberty (PDLs).

“Walang special treatment. Walang preferential attention para sa kanila. Ang policy ng BJMP, pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng PDLs, patas na pagmamalasakit sa lahat,” ani Solda.

Aniya, ang bilangguan ay walang hiwalay na pasilidad maliban sa isolation area para sa mga newly committed PDL, na bahagi ng health and security procedures na inoobserbahan sa mga bilangguan.

Sinabi ni Solda, mayroong mandatory quarantine period na 10-14 days sa mga preso, at matapos ito, ang mga bagong lipat na indibiduwal ay itatalaga sa selda ng general population.

Nabatid, ang Pasay City Jail ay isang 1000% congested facility at sa kasalukuyan ay mayroon umanong kabuuang 1,104 preso.

Nauna nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nilagdaan niya ang isang kautusan na naglilipat kina Dargani at Ong sa kustodiya ng Pasay city jail matapos ipakulong dahil sa pagkabigong magharap ng financial documents sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ang Senado ang nag-iimbestiga sa transaksiyon ng kompanya sa pamahalaan kaugnay ng kontrata nitong bilyon-bilyong overpriced medical equipment bilang proteksiyon laban sa CoVid-19.

Inihanda na ng Pasay city jail ang pasilidad para sa paglilipat ng Pharmally executives na sina Mohit Dargani, corporate secretary, at si Linconn Ong, director, kung saan mananatili sila ng 10-14 araw bago ilipat sa regular na selda.

Ang Pasay city jail ay may kabuuang 1,140 bilanggo, wala umanong hiwalay na pasilidad maliban sa isolation area na inilaan para sa bagong pasok na preso bilang bahagi ng health protocols na ipinatutupad sa kulungan. (ALMAR DANGUILAN, may kasama ulat ni Gina Garcia)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …