Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cara Gonzales Jela Cuenca Luis Hontiveros Rash Flores Brillante Mendoza

Jela, Cara, Rash, at Luis wa ker magbuyangyang kung isang Brillante Mendoza ang magdidirehe

ni Maricris V. Nicasio

KITANG-KITA ang excitement ng apat na baguhang bida sa Palitan na sina Jela Cuenca, Cara Gonzales, Rash Flores, at Luis Hontiveros paano’y isang Brillante Mendoza ang nagdirehe sa kanila kaya naman game na game sila kahit super sexy ang pelikulanghandog ng Viva Films at mapapanood sa December 10 sa Vivamax.

Lahat sila’y nagsabing hindi alintana ang paghuhubad dahil isang award-winning director ang humawak sa kanila.

“Until now, I’m still overwhelmed na hindi ako makapaniwala noong una kasi direk Brillante Mendoza, best director sa Cannes,” katwiran ni Luis na aminadong sobrang daring ng role niya sa pelikula.

“Sobrang daring ang karakter ni James. It is a well written film na hindi lang puro sex, it’s not like porn. You have to watch the film from start to finish para maintindihan mo ‘yung istorya, bawat rekado ng bawat karakter dito,” paliwanag pa nito.

Ani Luis ibang-iba ang Palitan sa mga nagawa niya kaya nang matanong kung alam ng pamilya niya ang pagpapa-sexy, sagot nito,  ”Hindi ko pa po sinasabi. Ang kuwento ko lang sa nanay ko sexy drama. Hindi naman na po ako pagagalitan, I’m old enough. 

“I’m just trying to build my career as an actor at alam din po nila ‘yung passion ko sa pag-arte and this is just another role na malalagay natin sa experience natin as an actor and like any other family alam ko magiging supportive naman at the end of the day,” giit pa niya.

Ang Palitan ay kuwento ni Jen (Cara), isang openly bisexual na babae at ang kinakasamang si James (Luis), na may pinagdaraanang depresyon. Magulo at komplikado ang kanilang relasyon ngunit nagagawan pa rin nila ng paraan na hindi bumitaw sa isa’t isa. Para makalimot at makapahinga sa problema ng pandemic, nagpunta sila sa probinsiya ni Jen, pero ang sasalubong pala sa kanila ay isang tao mula sa nakaraan ni Jen na kailanman ay hindi niya nakalimutan, ang tunay niyang pag-ibig, si Marie (Jela), na ngayon ay ikakasal na sa kanilang kaibigan na si Al (Rash).

Sa kabilang banda, matagal nang plano ni Mendoza at ng Viva Communications Incorporated charmain at CEO na si Vic Del Rosario na gumawa sila ng pelikula, at isa lang ang Palitan sa marami pa nilang nakaplanong i-produce.

Ipinahayag ni Mendoza sa isang interview ang excitement nila ni Boss Vic para sa mga pagsasamahan nilang proyekto, ”Whenever I see Boss Vic abroad, sa mga festival, sabi niya, “Kailan tayo gagawa?”… sabi ko malapit na Boss, malapit na.”

Ang Palitan ay isinulat ng Palanca award-winning screenwriter na si Honeylyn Joy Alipio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …